^

PSN Showbiz

Charo at Christian, OTJ, big winner sa 5th EDDYS!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Charo at Christian, OTJ, big winner sa 5th EDDYS!
Christian, Charo, at Mon

Maayos na nairaos ng grupo ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ang kanilang 5th EDDYS Awards na ginanap sa Metropolitan Theater nung Linggo, November 27.

May ilang awardees na nagkumpirmang darating, pero last minute ay nagpasabing hindi na pala.

May ilan pang naimbitahang nag-positive o na-expose sa COVID 19, kaya naintindihan naman kung hindi na sila makakadalo.

Pero masaya naman at nakarating ang mga nagwagi ng major awards kagaya ng Best Actor na napanalunan ni Christian Bables at ni Madam Charo Santos-Concio na Best Actress, pati si Mon Confiado na Best Supporting Actor.

Si Lotlot de Leon naman ng pelikulang On the Job : The Missing 8 ang nanalong Best Supporting Actress, pero hindi niya personal na natanggap ang EDDYS trophy. Kaya tinanggap nito ng Supervising Producer ng pelikula na si Stacey Bascon.

Nakopo ng pelikulang On the Job: Missing 8 ang karamihang awards kabilang na ang Best Picture at Best Director na si Erik Matti.

Maganda ang  mga production number na dinirek ni Ice Seguerra, lalo na sa ilang highlights ng programa na kung saan binigyang halaga ng mga taga-SPEED ang mga kasamahan nila sa panulat.

Kagaya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN 2 na siyang ginawaran ng Joe Quirino Award. Si Eric Ramos naman ang binigyan ng Manny Pichel Award, at ang Isah V. Red award na nasa pangalawang taon ng pamamahagi ay ibinigay kina Kris Aquino, Gretchen Barretto, Alfred Vargas, Sagip Kapamilya, at Kapuso Foundation.

Ang ganda ng Icons awards na ibinigay kina Tito, Vic and Joey, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, Divina Valencia, Helen Gamboa at Sharon Cuneta.

Inalalayan sila ng napakagandang rendition ni Jona ng kantang Ngayon at Kailanman.

Napakaganda rin ng pagkakanta ni Ice Seguerra ng Minsan ang Minahal ay Ako sa In Memoriam na kung saan ay binigyan ng Posthumous Awards sina Cherie Gil at Susan Roces.

Congratulations sa lahat na nagwagi lalo na sa mga taga-SPEEd na pinamumunuan ni Eugene Asis ng People’s Journal bilang presidente at sa producer ng awarding ceremony na Fire and Ice nina Liza Dino at Ice Seguerra.

Charo nagpasalamat kay Mel!

Nakarating kay Ma’am Charo Santos ang mga magagandang sinabi ni Mel Tiangco sa Maalaala Mo Kaya.

Sinabi ni Ma’am Mel na nalulungkot din siya sa pagtatapos ng MMK, dahil sa malaki rin ang naiambag nito sa television industry.

Kaya nagpasalamat si Charo sa host ng katapat ng programa niyang Magpakailanman.

“So sweet of her. So sweet talaga of Miss Mel Tiangco.

“Thank you very much Mel for your kind words,” bulalas ni Charo nang sandali naming nakatsikahan sa EDDYS awards.

Paulit-ulit din siyang nagpapasalamat sa lahat na mga natatanggap niyang magagandang mensahe at sa mga nanghihinayang sa kanyang programa.

“What can I say? I only say thank you. Thank you so much for all the years that they supported Maalaala Mo Kaya. At saka nakakataba ng puso na ngayon ay we’re on our last two episodes  ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa mga avid fans ng programa.

“But…you know. Ganun ang buhay. Life goes on,” pagkikibit-balikat ni Ma’am Charo.

“I have a grateful heart na naka-contribute naman ang Maalaala Mo Kaya sa larangan ng entertainment, sa pagdadala ng magagandang kuwento na puno ng aral at pag-asa. Because we presented the slice of life of the Filipinos, at ang daming aral na dinala. So, nakakatuwa,” dagdag niyang pahayag.

Pero natuwa rin siya at excited sa magandang balita sa MMK, dahil binili nga raw ito para mapanood sa 41 countries sa South Africa.

“Oo. Binili ng South Africa!

“Sa 2023, it will be shown in 41 countries in South Africa. So, I’m now dubbing the MMK into English. Who knows di ba? One day, Korea naman!” natutuwa niyang pahayag.

Natawa na lang siya sa sinabi naming baka isa sa mga araw na ito ay superstar na pala siya roon sa South Africa.

CHARO SANTOS-CONCIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with