^

PSN Showbiz

Anne, tiis-tiis sa hampas ng alon habang nagso-shoot ng dyosa video sa paraiso

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne, tiis-tiis sa hampas ng alon habang nagso-shoot ng dyosa video sa paraiso
Anne
STAR/ File

“Shot in 1 hour while Dahlia was napping,” comment ni Erwan Heussaff sa ‘Dyosa’ video ni Anne Curtis habang nasa ‘paraiso.’

“Paradise

“edited & directed by @erwan. Wait for his version tho,” caption ni Anne.

Pero naunang nag-upload si Erwan ng nasabing video ni Anne. At kitang-kita nang hampasin ng alon si Anne habang kinukunan siya at nakahiga sa white sands.

“Dyosa in her element. Nature wins.

P. S If you don’t hear from me in the next 24 hours, send help,” caption ni Erwan sa nasabing post.

Ang lakas ng hampas ng alon kaya parang napatanong ang ibang followers na baka napasukan ng tubig ang tenga ni Anne.

Pero sumagot naman si Anne ng “Director’s cut at its finest You’re forgiven tho because tawang-tawa me. Hahahahahha.”

Samantala, parang ang lakas kumain ng anak nila na si Dahlia.

Wow, sa mga video nito, parang laging active ang appetite.

Pero hindi tabain si bagets.

Ganun pa rin ang katawan.

Kaya ang cute niyang tingnan na panay ang kain niya pero ‘di tumataba na madalas ding nakikitang tumutulong sa amang chef sa pagluluto.

At sa edad nitong 2, kikay na kikay na kaagad.

ANNE

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with