^

PSN Showbiz

Vhong, parang gumuho ang pinaghirapan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vhong, parang gumuho ang pinaghirapan
Vhong
STAR/ File

Nakakaawa talaga ang nangyari kay Vhong Navarro, Salve. Pero alam natin na may hustisya pa rin sa atin. Kung anuman ang tunay na nangyari sa kanila ni Deniece Cornejo silang dalawa at kanilang conscience na lang ang puwedeng magsabi kung ano ang tunay na nangyari o ano talaga ang naging relasyon nila.

Isang malaking aral para sa lahat ng celebrity ang nangyari kay Vhong Navarro. Kailangang maging maingat sa anumang relasyon at sa sinumang makakarelasyon. Sayang lahat ng magiging tagumpay mo kung sa isang iglap mawawala ito. Sa­yang ang binuo mong pangalan kung bigla na lang masisira ng isang pagkakamali.

Siguro sa ngayon parang gumuho ang lahat para kay Vhong kaya sana matulungan siya ng mga dasal ng mga taong nagmamahal sa kanya. Siguro nga kahit si direk Chito Roño hindi akalain na magiging ganito ang kapalaran ni Vhong Navarro. Malaking sayang ang naganap sa buhay niya na sana ay malagpasan niya at mabalik muli ang lahat ng magagan­dang pangyayari sa buhay niya.

Sana patuloy lang siya sa pananalig sa justice at sa tulong ni God. Look up, Vhong Navarro, don’t stop belie­ving, bongga.

EDDYS Awards, hinihintay taun-taon

Inasahang magiging star-studded ang EDDYS Awards ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors.

Marami ang excited sa resulta nito dahil nga very credible at alam nila na ang bawat member ay fair sa pagpili.

Palagay ko bawat awardee ay very proud sa natanggap nilang award of excellence. Hinihintay every year ang napipili ng members ng SPEEd dahil nga alam nila na bawat member ay may karapatan sa pagpili ng winner.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with