^

PSN Showbiz

Kiko, sumunod sa mga yapak ng ama

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kiko, sumunod sa mga yapak ng ama
Kiko
STAR/ File

Si Kiko Estrada ang pumalit sa karakter na dapat ay gagampanan ni Diego Loyzaga para sa pelikulang Us X Her. Nakasama ni Kiko sa bagong proyekto sina Angeli Khang at AJ Raval. “I was not supposed to do the project. Then I read the script for just like two hours. Tapos I got a phone call from Direk Jules (Katanyag) and I had to say yes. Kasi sobrang ganda ng script. I’m thankful for that kaya may pagka-Gary Estrada tayo diyan,” nakangi­ting pahayag ni Kiko.

Ang aktor ay anak nina Cheska Diaz at Gary Estrada. Sumikat din ang ama ni Kiko noon dahil sa pagpapaseksi nito sa mga pelikula. Malaki ang pasasalamat ni Kiko sa dalawang sexy actress na nakatambal sa naturang Vivamax film. “They’re very kind and generous with their time. When we’re doing scenes, they’re very patient lalo na ‘yung I have to dance and I really had to do zone in. Everyone on the set helped me kasi ako ‘yung odd man out kasi ako lang ‘yung bago. So I really tried, so hope you guys like it,” pagbabahagi ng binata.

Kinausap muna raw ni Kiko si Diego at humingi ng basbas bago pa tuluyang gawin ang bagong pelikula. “When I read it, tinawagan ko si Diego kasi we’re close. Then I asked him kung ‘Kaya mo bang gawin? Gusto mo bang gawin? Hihintayin kita, mag-no na lang ako, or gusto mo?’ Then he told me na he’s too sick to do this nga and he told me to go, so I felt like it’s a bles­sing. One man’s trash is another man’s treasure. So let’s treasure this one,” pagtatapos ng aktor.

Albie, foreigner ulit ang bagong karelasyon

Isang Amerikana ang kasintahan ni Albie Casiño ngayon. Nakilala umano ng aktor ang dalaga habang nagbabakasyon sa Boracay ilang buwan na ang nakalilipas. “We’ve been dating for seven months na, fairly new pa rin. Medyo maganda ‘yung track record ko sa Bora. My last girlfriend before my girlfriend now, I also met her in Boracay. She’s also a foreigner. So funny lang,” natatawang pahayag ni Albie.

Para sa binata ay mas mabuti na isang banyaga ang kanyang karelasyon. “Number one is ‘yung opener ko when they ask what do I do, I say I’m a social media manager of influencers and artists in the Philippines. That’s what I say. So when someone asks for pictures and she asks, ‘Why do they know you?’  And I say, ‘Oh they see me on some of my client’s posts.’ Parang it’s nice to talk to someone na wala silang preconceived notion of you. Siguro kaya it’s easier for me to date foreigners because of that,” masayang kwento niya.

Ayon kay Albie ay nakaranas na rin ng online bashing ang bagong kasintahan nang malaman ng ilang netizens na magkasintahan na sila. “Actually, she got traumatized a little bit because parang I think some of the fans from my PBB love team nakarinig ang they found her on social media. Then they started bashing her. Siguro ‘yung quality na nakita ko sa kanya is she’s very genuine and the way she reacts lang to the things that happened, ‘yung bashing and stuff. So, I saw how she handles that and from what I saw I know she’s a quality person,” paglalahad ng binate. (Reports from JCC)

DIEGO LOYZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with