^

PSN Showbiz

Kris, generous pa rin sa ibang tao!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kris, generous pa rin sa ibang tao!
Kris
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, nakaka-happy ang mga ibinabalita sa akin ng mga taong malalapit kay Kris Aquino.

Nang magpunta siya ng Los Angeles, California, unang nag-stay si Kris at mga anak na sina Josh at Bimby sa isang Airbnb house na malapit sa Beverly Hills, pero lumipat agad sila sa isang hotel sa may Santa Monica na favorite raw ng tinaguriang Queen of All Media.

From there, nasa isang lugar na si Kris at ang kanyang mga anak sa isang coastal city sa southern part ng Los Angeles.

Sabi pa ng mga nakakausap ko na nakikita’t nakakausap si Kris, mukhang bumubuti naman ang kalagayan ng nanay nina Josh at Bimby.

Feeling ko, Ateng Salve, effective ang gamutan kay Kris at mas lalong nakakatulong na marami talaga ang nagda­rasal para sa kanya.

In fairness, lovable naman kasi si Kris. Actually, kahit nga may sakit na siya, patuloy siya sa pagiging generous sa mga taong malalapit sa kanya. May kuwento rin na maraming mga nangangailangan na talaga namang tinutulungan ni Kris.

So nice. May golden heart talaga ang nanay nina Josh at Bimby.

Ako, Ateng Salve, dalangin ko na patuloy na gumaling si Kris!

Pelikula ng Donbelle, patok sa Amerika

Kung noong Wednesday nagbukas sa mga sinehan dito sa ‘Pinas ang An Inconvenient Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na siyang 30th anniversary presentation ng Star Cinema, sa Amerika naman, noong Friday ‘yun nag-showing.

In fairness, maraming mga kababayan natin doon ang nanonood ng movie ng DonBelle.

Sa Los Angeles, todo-todo ang pagpo-promote roon ng An Inconvenient Love dahil nag-promote roon ang DonBelle noong Nov. 7 at nagka-event nga sila sa isang bar/restaurant sa may Cerritos pagkagaling nila sa ASAP Natin ‘To Las Vegas.

Anyway, marami ang kinikilig sa tambalang DonBelle.

Bongga!

Jake, kontrobersyal sa MMFF...

R-18 ang My Father, Myself, ang 2022 Metro Manila Film Festival movie entry ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions at ayon sa direktor ng pelikula na si Joel Lamangan, wala na siyang magagawa pa pagdating sa bagay na ‘yon kahit pa ipinaglaban niya ang tungkol sa classification ng kanilang pelikula sa mga taga-MTRCB.

At dahil R-18 ‘yon, wala talaga silang pag-asang maipalabas sa SM Cinemas. Hindi kasi nagpapalabas ng for adults only movies ang nasabing chain of cinema.

Pero sabi nga ni Direk Joel, dahil maganda naman ang kanilang pelikula na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Tiffany Grey at Dimples Romana, inaasahan niyang panonoorin ‘yon sa iba pang mga sinehan.

In fairness, trailer pa lang ng My Father, Myself, controversial na, kaya puwede naman talagang dumugin ‘yon sa mga sinehan starting Dec. 25.

Saka talaga namang pinag-uusapan ito, huh!

Sa presscon pa nga lang nila noong Thursday, mangiyak-ngiyak na si Jake nang tanungin ko kung ano ang masasabi niya sa sobrang papuri sa kanya ni Direk Joel.

Bongga... ‘Yun na!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with