^

PSN Showbiz

Vhong, bumabagsak ang katawan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vhong, bumabagsak ang katawan!
Vhong
STAR/ File

Sa susunod na linggo ay matatapos na ni Vhong Navarro ang 7-day quarantine niya sa Taguig City Jail, bago siya ipasok sa selda kasama ang ibang inmates.

Ito talaga ang safety procedure kapag bagong lipat sa Taguig City Jail – na kailangang i-quarantine bago ilagay sa selda.

Fully-vaccinated naman daw kasi si Vhong, kaya pitong araw lang siya i-quarantine, at kapag cleared na lahat ang kanyang kalusugan, puwede na siyang ilipat sa selda.

Ito ang kinatatakutan ng pamilya ni Vhong sa Taguig City Jail dahil may mga natatanggap daw na mga message ang asawa ni Vhong na si Tanya. Kaya para matiyak lang ang kaligtasan ni Vhong, nagkaroon ng hearing ang korte na kung saan ay ipinatawag ang warden ng naturang city jail.

Ipinatawag din si Tanya para mahingan ng pahayag sa kinatatakutan niya kapag nasa Taguig City Jail na ang actor/TV host.

“There are a lot also of worries on his part, kasi hindi naman natin alam kung ano ang madadatnan niya sa Taguig City Jail. But, in fairness naman prior to the transfer, there was a hearing that was conducted by the court.

“The judge called the representative of the Warden of Taguig City Jail, and the judge inquired as to the security and protection facilities of the Taguig City Jail, to be able to insure na ma-proteksyunan at ma-secure natin si Vhong while he will be detained in city jail. Kasi as the moment nga po, wala pa ring result ‘yung Petition for Bail that we filed. Natapos na po ‘yung mga hearings, but as of now po wala pa po ‘yung resolution,” pahayag ng isa pang legal counsel ni Vhong na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Nakapanayam namin si Atty. Maggie sa DZRH nung nakaraang Biyernes at sinabi niyang bumagsak daw talaga ang katawan ni Vhong, at isa nga ‘yun sa inaalala nila, lalo na’t kapag nasa selda na ito ng Taguig City Jail.

“Physically, medyo bumagsak talaga ‘yung katawan niya.

“Hindi naman natin maiiwasan that he will be thinking a lot of things also.

“Taguig City Jail is a new confinement for him, kasi galing nga siya sa NBI,” pakli ni Atty. Maggie.

Pero bilib daw siya sa katatagan ni Vhong na minsan ay ito pa raw ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanilang mga abogado niya.

Saad ni Atty. Maggie: “Alam mo paradoxically, siya pa ‘yung nagsasabi sa akin lagi na magdasal Atty, lalabas din ‘yung totoo.

“’Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin kapag pumupunta ako dun.

And he’s very confident with his legal team.

“It’s a pressure actually on our part, whenever we’ll able to talk to Vhong, sasabihin niya lagi sa amin na may tiwala ako sa inyo.

“Attorney, magdasal tayo, at ipinagdadasal ko lagi na bigyan kayo ng wisdom at lakas ng pangangatawan ng Panginoon para lumabas ang totoo. Ganyan si Vhong.

“It’s not we actually giving him the strength, but mostly its Vhong e. Siya lagi ang nagsasabi sa akin everytime na pumunta ako dun.”

Sa panalangin naman talaga kakapit ang lahat para kay Vhong.

Sana nga maging maganda ang Pasko nila, kapag pumanig sa kanya ang desisyon ng korte para sa Petition for Bail na isinumite nila.

Libu-libong gowns ni Tessa, ilalabas ni Korina!

Nakakaintriga na itong two brown chair na gamit ni Korina Sanchez-Roxas sa interviews na ginagawa niya sa Korina Interviews ng Net 25.

Ang sipag nga niya nung nakaraang episode na kung saan ay in-interview niya ang magkapatid na Sen. Raffy Tulfo at DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Inikot niya ang opisina ng magkapatid, pero talagang gamit nila ang upuang ‘yun.

Pero interesting din ang pakikipag-usap ni Korina sa magkakapatid na Raffy at Tulfo.

Inilahad nila na sa kanilang 10 magkakapatid, talagang Mama’s boys silang lahat dahil ang Mommy nila ang madalas nilang kasama pero grabe rin daw ang disiplina ng kanilang ina, na talagang napapalo sila kapag nagkamali.

Pagdating daw ng Daddy nila na miyembro ng Philippine Constabulary ay palo na naman sila ulit.

96 years old na ang kanilang ina na siyang nagbibigkis sa kanilang magkakapatid.

Slight na naka-relate din si Korina sa Tulfo brothers dahil ganun din daw ang disiplinang pinagdaanan niya sa kanyang magulang.

Ngayon naman sa susunod na episode ng Korina Interviews ay masaya, makulay at kalokahang tsikahan ni Korina kay Tessa Prieto.

Doon mari-reveal kung ilang libo na ba ang gowns ni Tessa, lalo na ang kanyang headdress na siya lang ang makakapagdala ng ganun.

Sabi nga ni Tessa, siya raw ang nagdadala ng bandera ng Pilipinas pagdating sa fashion sa ibang bansa.

Mauungkat kaya ang pinagdaanan ni Tessa pagdating sa kanyang married life?

Mapapanood ito alas-singko ng hapon sa Net 25 bago ang isa pang nakakaaliw na Love, Bosleng and Tali.

vuukle comment

TAGUIG CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with