^

PSN Showbiz

Ice, Jona, Zephanie at Regine may mga pasabog sa 5th EDDYS

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ice, Jona, Zephanie at Regine may mga pasabog sa 5th EDDYS
Ice

Kanya-kanya nang hula ang fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa 5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Bukas na, Linggo, magaganap ang ikalimang edisyon ng The EDDYS sa Metropolitan Theater (MET) sa direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Magsisilbing host ng pinakaaabangang awards night ang talent manager at premyadong TV perso­nality na si Boy Abunda.

Bukod sa announcement ng pinakamagaga­ling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa ikalimang edisyon ng The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jonalyn Viray, Zephanie at Regine Tolentino kasama ang Dance Royalties.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.

Maglalaban-laban para sa Best Film ang Arisaka (Ten17 Productions), Big Night, (IdeaFirst Company) Dito at Doon, (TBA Studios); Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEEd at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with Globe at sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA at Metropolitan Theater.

Kabilang naman sa mga sponsor ang Nathan Studios, Cong. Arjo Atayde, Unilab at Tanduay. Suportado rin ito ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation, Federation Of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill at Bataan Rep. Geraldine Roman.

EDDYS

SPEED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with