^

PSN Showbiz

Maegan, rollercoaster ang buhay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maegan, rollercoaster ang buhay!
Maegan Aguilar

Ang bongga naman ng Magpakailanman. Dalawang dekada na pala ang well-loved at multi-awarded drama anthology show na ito.

Bilang parte nga ng anniversary special, may mga hinanda itong nakaka-inspire na mga kuwento.

Para nga kay Mel Tiangco, ang sinseridad ng program ang naging sikreto sa likod ng success nito. dahil nakaka-relate ang mga manonood sa mga totoong kuwento ng mga totoong tao na tinatampok sa MPK. Hindi lang din daw for entertainment ang programa kundi ang goal nito ay magkaroon ang mga viewer ng realizations at inspiration at may matutunan ang mga ito na maaari nilang balikan.

Humanda raw tayo sa emotional rollercoaster ride sa istorya ng buhay ni Maegan Aguilar na isang promising singer-songwriter at kilala bilang anak ng OPM icon na si Freddie Aguilar. Nagkaroon ito ng mga komplikadong relasyon. Dahil sa mga maling desisyon nito, nawalan ng direksyon at nawalan ng custody sa mga anak. At may second part pa ang kontrobersyal na buhay nito.

Kaabang-abang ang kuwento ng buhay ni Maegan. Marami ang curious sa mga pangyayari at paano niya nalagpasan ang mga pagsubok.

Gusto ring malaman ng mga manonood kung may chance pa kayang mahanap ni Maegan ang kanyang true love. Mababawi pa kaya nito ang karapatan sa kanyang mga anak? Handa na ba ulit ang lahat na tanggapin at makita ang talent ni Maegan?

Mas lalo pa itong aabangan dahil gaganapan ang special episodes na ito ni Sanya Lopez. Kasama pa nito sina Jason Abalos, Jon Lucas, at Dion Ignacio. 

Ang daming katanungan na gustong masagot tungkol sa kontrobersyal na buhay ni Maegan kaya siguradong maraming manonood nito.

Samantala, hindi pa tapos ang spooky season at anniversary special ng MPK dahil extended ito. Ikukuwento nito ang katakut-takot na mga experience ni Lezlie Hombre. Dahil sa pagkamatay ng nanay nito at panloloko ng asawa, humina ang pananampalataya nito sa Diyos na naging dahilan para makalapit sa kanya ang isang entity.

Malalagpasan kaya nito ang mga malagim na pangyayari sa buhay niya? Maibabalik kaya ng kanyang pananampalataya ang dating tahimik at normal na buhay?

 Bongga ang MPK.

vuukle comment

MAEGAN AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with