^

PSN Showbiz

Maggie at Victor, parang mga bata ang parinigan

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maggie at Victor, parang mga bata ang parinigan
Maggie Wilson at Victor Consunji

Nakakatawa naman ang balita tungkol kina Maggie Wilson at Victor Consunji.

Para silang mga bata na nagpo-provoke ng away, kaloka.

Ayaw nilang tumigil samantalang pareho naman silang adult na dapat maging maingat na sa pagsasalita. ­Siguro naman kung talagang naghiwalay na sila at maayos naman ang usapan dapat tumigil na rin sila sa mga walang kawawaan na parinig sa social media.

At sana they will end up as good friends. Mukha pa namang parehong mabait ang dalawa. Si Maggie Wilson sweet ‘pag kausap mo, si Victor Consunji very gentleman, kaya no more war, peace na lang sana. Mas bongga.

Toto Mangudadatu, ‘di pinababayaan ang 45 na anak sa iba’t ibang babae

Shocked ako, Salve, nang malaman ko kay former Gov. / Cong. na si Toto Mangudadatu na 45 ang anak niya sa iba’t ibang babae. Paano ka magkakaroon ng ganu’n na anak at bongga, paano mo mapapalaki at mapag-aaral?

Pero nang dumalaw ang anim sa marami niyang anak sa pictorial ni Christopher de Leon para sa Hercules Coffee for Adults, sinabi sa akin ng anim na teeners na sa Australia sila nag-aaral. At ang father nila ang nagbibigay ng kanilang allowance.

Wow! Hindi ko akalaing all the kids are well taken care off. Naku, naisip ko, ang daming datung ni Toto Mangudadatu para buhayin lahat ng anak. Kahit ‘yung anak niya kay Ynez Veneracion sa Assumption nag-aaral. At on time raw ang child support. Bongga.

Hanggang nga­yon, binibilang ko pa ang gastos para sa ganu’ng karaming anak. Naku, Gorgy at Salve, kaloka, ‘di bah!

MAGGIE WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with