^

PSN Showbiz

Ate Vi, duster at medyas ang request na birthday gift!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, duster at medyas ang request na birthday gift!
Vilma Santos

Nakakatuwa ang Star for All Seasons Vilma Santos na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan lang.

In-interview siya ni Noel Ferrer sa kanyang programang Level Up sa Radyo Katipunan at napag-usapan ang gusto niyang birthday gift na matatanggap.                

May mga nagtanong daw sa kanya kung ano ang gusto niyang matanggap na birthday gift. “Duster na malambot,” bulalas ni Ate Vi.

“Kasi dalawa lang na duster ang meron ako, baka puwede pang dagdagan kasi kumportable ako du’n. Basta medium ang size ko, pero gusto ko rin ‘yung maluwag. Hehehe! Pwede na rin medyas kasi lamigin ako. Hahaha! But don’t get me wrong, hindi po ako nanghihingi, sapat naman na ang prayers at suporta niyo sa akin, mga Vilmanians at Vilmates. Ito’y du’n lang naman sa mga nagtatanong,” dagdag niyang pahayag.

Naikuwento dati ni Ate Vi sa mga nakaraan niyang interviews na dati raw ang tinatambakan siya ng panyo na regalo, hanggang sa nagpasabi na siyang tama na ‘yung panyo.

Tiyak na tatambakan na naman siya ngayon ng duster at medyas.

Feel na feel na rin kasi ni Ate Vi ang pagiging lola, na ayaw niyang magpatawag ng lola sa kanyang magiging unang apong si Peanut.

Gusto niyang Momsie, at excited siya dahil puro barako raw ang mga kasama niya sa bahay, na bukod kay Governor Ralph Recto, nandiyan ang anak niyang si Christian at Luis. Kaya type daw niyang meron na siyang girl na aayusan.

“Alam mo naman ako, napaliligiran ako ng mga barako sa bahay all my life, puro lalaki sila, si Lucky, si Ryan at si Ralph. Outnumbered ako, kaya maganda na merong kakamping babae like Peanut,” ani Ate Vi.

“Sana makuha ni Peanut ang kutis, ang nose at legs ko! Salbahe si Lucky, sabi niya kung leeg eh di ang liit nu’n. Hahaha. Ang saya lang na aayusan ko siya with ribbons and lace and dresses. Sana siya ang sumunod sa akin, tuturuan ko rin’ yang umarte,” excited na pagkakasabi ni Ate Vi.

“Basta, I want Peanut – like all of my children – to have a good and productive life, a God-loving life at marunong rumespeto sa tao,” dagdag pa niyang pahayag.

Gusto na premyadong aktres na bumalik sa pag-arte kaya tuluy-tuloy ang pakikipag-usap niya sa mga producer.

Meron siyang gagawin kay direk Erik Matti sa ilalim ng produksyon ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde, at meron ding pag-uusap kay Ma’am Cory Vidanes para sa series of specials sa TV at meron din sa Star Cinema na pelikula. Sana matuloy rin daw ang isa pang film project na  direk Brillante Mendoza.

Korina, ‘di pa rin sanay tawaging tita!

Aliw ang IG post ni Korina Sanchez-Roxas na kasama sina Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Alora Sasam at David Chua.

Nagkita-kita sila sa opening ng bagong resort sa El Nido, Palawan na kung saan sina Kathryn at Piolo ang nag-cut ng ribbon.

Naimbitahan din doon si Korina, at doon niya in-interview si Piolo para sa kanyang Korina Interviews na mapapanood sa Net 25 ngayong hapon.

Nakakaaliw ang caption niya na naloka raw siyang tinatawag na siyang “Tita” nina Kathryn at Daniel.

Sabi niya kay Piolo: “Sanay naman ako sa ganitong eksena. Pero never yata ako masasanay na tawaging Tita.”

“That’s your badge of honor, K,” sabi naman daw sa kanya ni Piolo.

Pero sabi ni Madam K, sana hanggang ‘ate’ na lang!

 Maganda ang feedback at napapansin na itong bagong lifestyle show ni Korina sa Net 25.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with