^

PSN Showbiz

Mariel Rodriguez, anim na oras nag-live selling!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel Rodriguez, anim na oras nag-live selling!
Mariel
STAR/ File

Kinarir na ang pagiging tindera ng mga pre-loved luxury items...

Parang kinabog ni Mariel Rodriguez ang lahat ng online seller.

Inabot lang naman ng anim na oras ang live selling niya noong Biyernes ng gabi sa kanyang social media platforms na sini-share ng mister niyang si Sen. Robin Padilla. Mula 8:00 p.m. hanggang 2:00 a.m.

Isinabay niya sa payday Friday kaya ang dami talagang nagma-mine.

Ang galing na niya actually na magbenta at parang isa na rin itong entertainment venue dahil talagang ang taas ng energy nito plus ang daming pa-giveaways.

Kaya sana raw ay matutulog siya kahapon, Sabado, pero hindi na-achieve dahil sa mga anak. “Yung nag live selling ka from 8pm - 2am, so ang ang plan ay matulog buong saturday pero hindi ma achieve because yung kids mo ang alam na canvass mukha mo. kakaiba because first time na pati yung loob ng nostril minake-upan din nila hahaha

“We had another successful live selling last night!!!! Big big big thanks to all our serious miners na nakisaya at nagsipuyat kasama namin to get the best deals. Thank you sooo much!!!! So proud of our line up last night ang daming pamigay prices to the max!!! inyooo na talagaaaa!!! To our hard working team yaaaaay!!!,” aniya sa post kahapon.

Dahil sa success ng kanyang live selling ang dami na ring nagpapabenta sa kanyang kapwa celebrity. ‘Yung mga gusto sigurong magpalit ng bag. “Thaaaaaaaaaaaank you sooooooo much!!!!!!!!!!! Also to the celebs who trust me with their luxury items so so grateful for everything! See you on our next.”

Pulos luxury brand ang binebenta niya na ang dialogue niya dahil nga raw mura ay ‘pamigay na presyo” kaya unahan ang miners.

Anyway, kung may mga celebrity na naglilinis ng kanilang closet sa pagbebenta ng iba nilang luxury items, may iba namang talagang hindi nagdi-dispose kahit parang sumusuka na ang kanilang closet sa rami.

Isa rito si tita Annabelle Rama na mas gustong tinitingnan-tingnan ang mga branded bag niya.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with