^

PSN Showbiz

Kampo ni Jane at Ruru, nagpaliwanag sa blind item!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Jane at Ruru, nagpaliwanag sa blind item!
Jane
STAR/ File

Pinalaki ng fans at kampo ni Jane de Leon ang blind item tungkol sa female star na nagpahuli ng dating para siya ang mag-finale sa event sa isang probinsya.

Kaya sa halip na si male star ang panghuling mag-perform, itong si female star na ang naging finale sa show na ‘yun.

Inako nila ang blind item na lumabas at nagtawagan ang ilang nakasaksi para magbigay ng impormasyon nila.

Sa mangilan-ngilang taong nakausap namin, nasagap na namin itong isyung pagkakasabay ng guesting nina Ruru Madrid at Jane sa fiesta ng Limay, Bataan nung nakaraang linggo.

Kaya sinubukan naming hingan ng panig ang kampo ni Ruru at Jane.

Labas na rito ang blind item na naisulat namin, at ito na muna ang bersyon ng kampo nina Ruru at Jane.

Heto na lang ang kuwento mula sa napagtanungan namin mula sa kampo ni Ruru.

Sabi ng isa sa team ni Ruru: “Sa program, last talaga si Ruru as advised by the organizer to us. Nung hinahanap na si Jane, they made excuses na.

“Kesyo wala pa raw sa venue si Jane, but apparently may van na kina Jane daw ‘yun. But what they said is wala raw doon si Jane, at papunta pa lang daw sila. Advanced party daw ‘yun.”

Malapit na raw tawagin si Jane, pero hindi pa rin nila nakakasama roon sa backstage.

Patapos na kasi ang guest performer na susundan dapat ni Jane, kaya nagpa-follow up na raw ang staff. “Nung malapit na matapos ‘yung performer before Jane, they followed up. Ang sabi naman is hindi pa raw nakaayos si Jane at nagmi-make up pa,” dagdag niyang pahayag.

Ang dating tuloy sa kanila, parang nagdadahilan lang ang kampo ni Jane para mahuli lang ito mag-perform. “Nung wala nang maisalang sa stage, Ruru politely offered na siya na lang daw mauna kasi kawawa rin ‘yung mga tao na naghihintay.

“After the performance of Ruru, biglang ready na si Jane sa backstage,” dagdag na kuwento sa amin.

Iba naman ang kuwento ng kampo ni Jane de Leon.

Tinanong namin ang taga-TEAM o Tyrone Escalante Artist Management kung totoo bang mag-alas dose ng hatinggabi na dumating si Jane, para sadyang mahuli siya.

Ani Tyrone: “Dumating kami sa tamang oras ng performance namin. Nakapag-courtesy call pa kami kay Vice Mayor at nagkaroon ng chance mag-photo op at makahalubilo sa mga tao. Before namin in-accept ang inquiry, alam namin from the very start na ang sabi sa amin huli talaga si Jane magpi-perform.”

Nilinaw niya rin sa aming handa na si Jane pagdating sa venue.

Hindi raw totoong nagpaayos pa siya roon. “May sarili kaming dala na hair and make-up artist, pati dan­cers. All set kami. Nag-aantay lang kami ng turn namin para sa sumampa sa entablado. Naabutan pa namin nagpi-perform sila Ruru.

“Nasa holding area lang kami kay Vice Mayor habang nagpi-perform siya,” dagdag niyang pahayag.

Nilinaw din sa aming hindi nag-alisan ang mga tao nang nagpi-perform si Jane.

Ipinadala niya sa amin ang video na nagpi-perform si Jane sa harap ng napakaraming tao.

Dalawang bersyon ang nakuha natin, at nasa atin na kung alin doon ang ating paniniwalaan.

Huwag lang kalimutan na ang pangatlong bersyon ay ang katotohanan.

Sabi naman ng taga-Sparkle ng GMA Artist Center, tapos na raw ang isyung ‘yun.

Ang mahalaga ay nakapag-perform sila at napasaya nila ang mga taga-Limay. Bataan. “It doesn’t matter kung sino ang nauna o nahuli,” napapangiting pahayag ng isang taga-Sparkle na nakatsikahan din namin.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with