^

PSN Showbiz

Showbiz personalities, naharang sa immigration nang magpunta sa ibang bansa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, kinabahan ang ilang mga kababayan natin na nakasabay ng dalawang showbiz personalities na umalis kamakailan ng Philippines at nagpunta sa isang foreign country.

Kuwento ng isang source, na-”secondary” raw ang dalawang ‘yon.

Ano ang “secondary”? Sa port of entry nila sa bansang pinuntahan, kung ang immigration officer na natapatan ng isang hindi citizen sa bansang ‘yon ay kailangan ng more information to determine your admissibility, puwede kang papuntahin sa isang area para mainterbyu and known as secondary inspection ‘yon.

Isa sa dalawang showbiz personality na ‘yon ay kilalang aktor, kaya napansin kaagad ng mga nakasabay nila sa immigration area na na-”secondary” nga sila.

Buti na lang at hindi sila na-A to A o airport to airport dahil mga dalawang oras lang daw sila sa secondary inspection at nakita na rin silang lumabas sa may arrival area.

Malamang, maayos namang nasagot ng dalawang showbiz personality na ‘yon ang mga itinanong sa kanila sa secondary inspection.

At least, hindi sila natulad sa isa pang showbiz personality na na-A to A raw dahil may show sa bansang pinuntahan pero wala namang working visa, huh!

Eh, ‘yung dalawang showbiz personality na na-”secondary” ay mukhang bakasyon lang ang pakay sa bansang pinuntahan.

Naku, kaya nga ang ibang talent managers, mahigpit sa mga ganyan. Hindi talaga sila pumapayag na hindi kuhanan ng promoter ng working visa ang kanilang mga alagang artista kahit pa nga meet & greet lang ang pakay ng mga ito sa ibang bansang pupuntahan.

Hindi nga ba may ganyan ding issue sa dalawang artistang nagpunta sa ibang bansa para mag-shooting ng isang pelikula? Ang chika, hindi rin daw working visa ang hawak nila kaya nagkaproblema rin ang pelikulang ginawa nila.

Well... well... well...

Josh at Bimby, ayaw nang ibino-blowout parati

Ang ganda talaga ng pagpapalaki ni Kris Aquino sa mga anak niyang sina Josh at Bimby. May isa kaming kaibigan na malapit sa magkapatid at madalas nilang makasama sa Los Angeles, California.

Bukod sa pamamasyal, nakakasama nilang kumain ang kaibigan namin.

Noong una raw, nag-treat sa magkapatid ang kaibigan namin at super sweet na nag-thank sa kanya sina Josh at Bimby. The next day na magkasama sila, kumain na naman sila, pero hindi raw pumayag si Bimby na ang kaibigan namin ang magbayad.

Si Bimby raw ang nagbayad at ang sabi ng teenager na anak ni Kris, dapat daw ay “give and take” at dahil nag-treat na ang kaibigan namin, time naman daw nila ni Josh para mag-treat.

Magagalit daw ang kanilang mommy kung palagi silang magpapa-treat.

Ang bongga ng mga anak ni Kris, katulad ng kanilang nanay, very generous din sina Josh at Bimby, huh!

‘Yun na!

BIMBY

JOSH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with