^

PSN Showbiz

Darna, sumabit sa jeep

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Darna, sumabit sa jeep
Jane de Leon.

Lumapag si Darna sa Guadalupe, Makati City upang magbigay saya sa ilang jeepney drivers. Ito ang unang stop ng #DarnaAll tour na nakatakdang magpasaya sa mga maituturing na bayani ng kalsada.

Pinangunahan ito ng bida ng Mars Ravelo’s Darna series na si Jane de Leon (Narda Custodio/Darna) kasama sina Mark Manicad (Ali Corpuz) at LA Santos (Richard Miscala).

Namigay ang Darna cast ng stickers at face towels sa mga jeepney driver at game na game rin silang nakipag-selfie sa fans. Mababasa sa mga sticker ang mga salitang “Ang hindi magbayad lagot kay Darna” at “Ding, barya lang sa umaga.”

Dagdag pa rito, sumabak din si Darna sa pagiging kundoktor ng isang jeep.

Samantala, patuloy ang excitement sa serye dahil sa tumitinding galit ni Regina (Janella Salvador) kay Darna, lalo pa ngayon na nadiskubre ni P02 Brian Robles (Joshua Garcia) na sinet up lamang ni Silent Shocker (Boom Lab­rusca) ang superhero para magalit ang mga tao rito. Pinaki­lala naman ng Babaeng Ahas ang sarili bilang Valentina sa niligtas niyang biktima ng dalawang magnanakaw.

Lumalalim na rin ang pagkakaibigan sa pagitan nina Narda at ni Noah Vallesteros (Paolo Gumabao) na nagsimula nang manligaw sa dalaga.

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with