^

PSN Showbiz

Kris, matatagalan ang pagpapagamot sa Los Angeles

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kris, matatagalan ang pagpapagamot sa Los Angeles
Kris Aquino.

May dagdag na chika ang source namin tungkol sa pagpunta ni Kris Aquino ng Los Angeles.

Magtatagal daw sa lugar na ‘yon ang tinaguriang Queen of All Media.

Tuloy pa rin daw ang pagpapagamot ni Kris sa kanyang mga karamdaman.

Sa isang kilalang ospital sa Beverly Hills daw magpapagamot si Kris. Pero siyempre, may mga nurse na nakatutok sa kanya sa tinutuluyan niyang bahay na malapit lang doon (ayaw ipabanggit kung saang city).

Pareho rin daw nakatutok kay Kris ang mga anak niyang sina Josh at Bimby na sobrang caring daw sa kanilang nanay.

Hindi nga lang masabi ng source ko kung kailan ba uuwi ng ‘Pinas si Josh.

Basta ako, Ateng Salve, always praying for Kris!

SB19, sunud-sunod ang show sa Amerika!

Tama ang kutob ko, Ateng Salve, na hindi lang sa Los Angeles, California magaganap ang WYAT (Where You At) ng Pinoy Pop band na SB19.

Almost sold-out na ang tickets para sa Avalon Hollywood show nila on Nov. 12 at nag-announce na nga ang concert promoter na si Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment na may San Francisco show rin ang SB19 on Nov. 18. Sa Fox Theater sa Redwood (Bay Area) ang venue no’n.

Naku, may duda tuloy ako na may iba pang shows ang SB19 na inihahanda, huh!

Mukhang isa-isang inia-announce lang ‘yon.

Bongga!

Concert ni Gary V., ubusan ang ticket

Naloloka ako sa ibang mga kaibigan ko na taga-LA dahil ako ang kinukulit nila kung saan puwedeng makabili ng tickets para sa Royce Hall, UCLA show ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ngayong Sunday na ang show na ‘yon ng mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano.

Feeling ko lang, Ateng Salve, maso-sold-out din ang show na ‘yon.

Wala na talagang mabiling mahal na tickets at isang friend ko ang nagpabili ng 10 $128 tickets kay Anna.

Iba rin talaga si Gary V., huh!

‘Yun na!

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with