^

PSN Showbiz

Diego, ipinakilala na si Franki sa pamilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Diego, ipinakilala na si Franki sa pamilya
Franki.

Kahapon na nagsimulang mag-streaming ang pelikulang Pabuya sa Vivamax.

Bida rito sina Diego Loyzaga at Franki Russel na matagal nang na-link sa isa’t-isa.

Ito ang first project ni Franki sa Viva pagkatapos siyang papirmahin ng exclusive contract.

Malaking bagay ang pagkaka-link nilang dalawa kaya sila na ang kinuhang bida sa pelikulang ito.

Pero mariin nilang itinangging sila na.

Basta sabi ni Franki, sa career daw muna sila mag-focus at saka na ang lovelife. Pero best friends lang daw talaga sila ni Diego.

Pero nang napag-usapan na namin ang tungkol sa pamilya ni Diego, inamin ni Franki na ipinakilala na siya sa Mommy at Daddy ng aktor.

Nakita raw ni Franki kung gaano sila kasayang pamilya lalo na’t okay na silang lahat.

“It’s such an awesome family. Both sides that I love seeing Diego like bon­ding with them. Like singing, sharing stories.

“It’s a modern family right? A beautiful family,” pahayag ni Franki nang makatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Huwebes.

Masaya si Diego sa kanyang pamilya na okay na raw talaga silang lahat.

Nagi-guilty nga raw siya ngayon dahil hindi pa raw sila nagkita ni Cesar Montano dahil abala pa siya ngayon sa promo ng Pabuya.

Pero ‘pag may time, talagang nagkikita raw sila at na-enjoy raw niya ang mga kapatid niya pati sa mga bagets na kapatid niya sa current partner ng kanyang daddy.

“It’s nice na ganun na ‘yung bonding namin. Ganun na kami ka-close ulit. The past is the past. We moved so quickly.

“I was able to work with him, ‘yun nga sa MIM. So, many pictures together with him sana,” pakli ni Diego.

“It’s so nice, Angeline just spent her 21st birthday, and we were all in Batangas.

“Seeing my Dad with his new partner, and Tita Shine there, si Ate Kat, Tita Shine, my three siblings, ahhh…

“It’s so nice, one thing happy family. Finally, after how many years. Sobrang sarap sa pakiramdam,” sabi pa ni Diego.

Natutuwa rin daw siyang okay na okay na rin daw ang Mommy niyang si Teresa Loyzaga at ang kanyang ama.

Herlene, nanghingi ng break!

Kahapon ang story conference ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na kung saan ay i-introduce si Herlene Budol o Hipon Girl na bida sa seryeng ito.

Ang napagdesisyunan nilang title ay Magandang Dilag, hango sa theme song ng Miss Universe Philippines.

Nakuha nila ang rights ng kantang ito sa Star Records.

Bukod kay Benjamin Alves na unang kinuhang partner ni Herlene, kasama rin si Rob Gomez na mukhang binibigyan talaga ng break ng Kapuso network.

Bongga ang major support ng cast na kinabibilangan nina Sandy Andolong, Chanda Romero, Adrian Allandy, Maxine Medina, Pamela Prinster at Bianca Manalo na kung hindi ako nagkamali, ito ang first soap ni Bianca sa Kapuso network.

May special participation pa rito si Christopher de Leon na mahalaga ang koneksyon sa buhay ng role na ginagampanan ni Herlene.

Major kontrabida niya rito si Maxine.

Next week ay magsisimula na silang mag-taping dahil bago matapos ang buwang ito ay magbi-break sila.

Isang buwan daw ang training ni Herlene para sa sasalihan niyang Miss Planet International sa Uganda, Africa sa Nov. 19.

Ayaw raw ni Herlene na pagsabayin ang taping at training niya sa Miss Planet International, kaya humi­ngi siya ng break ng mahigit isang buwan.

“Nakakatuwa po na ang dating tinitingala ko at iniidolo kong artista, makakatrabaho ko na ngayon. Pasensya na po kung hindi ko magawa agad at baka magkamali ako, kasi bago po talaga ito sa akin,” mapagkumbabang pahayag ni Herlene.

Bagay na bagay raw kay Herlene ang role niya rito na anak ng mahirap na taga-squatter, na isang napakayamang negosyante pala ang kanyang ama. Aabutin hanggang next year ang taping nito, at maaaring first quarter of 2023 na ang airing nito.

DIEGO LOYZAGA

FRANKI RUSSEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with