^

PSN Showbiz

Kris, sa Los Angeles na magpapagaling

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kris, sa Los Angeles na magpapagaling
Bimby, Kris at Josh.

Yes, Ateng Salve, connfirmed na confirmed, dumating na nga sa Los Angeles, California si Kris Aquino noong early evening ng Wednesday (Thursday mor­ning sa atin).

Hindi lang ako sure kung magkasabay sila ni Bimby na dumating ng LA, pero may nakita ako na picture na magkasama na ang panganay niyang anak si Josh at ang bunso niya.

From a very reliable source naman, nabalitaan namin na chartered flight ang sinakyan ni Kris from Houston, Texas pa-LA.

Sa isang lugar na malapit daw sa Beverly Hills naka-stay ngayon si Kris at ang kanyang mga anak.

Mukhang magba-bonding muna ang mag-iina bago uuwi ng ‘Pinas si Josh.

Eh, sa atin naman, waiting na raw si Bincai to take care of Josh.

Anyway, sana lang ay patuloy na ang paggaling ng tinaguriang Queen of All Media sa kanyang mga karamdaman.

So, let’s all pray para sa patuloy na paggaling ni Kris!

Oo nga pala, puring-puri ng isang friend namin ang mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby. Ang bait-bait at sweet daw ang mga ito.

Actually, noong nakasama ko rin naman si Josh sa isang event sa FACLA (Filipino American Community of Los Angeles), sobrang bait ng panganay ni Kris. Super smile nga siya kapag may nagpapakuha ng picture kasama siya.

Bongga!

Coco at Jodi, smooth sailing ang shooting sa US

As I write this, naghahanda na ang production na namamahala sa shooting ng Labyu with an Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Every other day ang shooting nila.

Kung noong Tuesday ay sa Long Beach ang location nila, sa second day naman nila ay sa may Encino sila magsu-shoot.

According sa taong nakausap namin, walang naging problema sa first shooting day ng pelikula nina Coco at Jodi.

Smooth sailing daw ang lahat.

Naayos na ang lahat ng schedule bago pa man sila umalis ng ‘Pinas!

‘Yun na!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with