^

PSN Showbiz

Mikee, konek na konek sa ipina-tattoo sa Korea

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mikee, konek na konek sa ipina-tattoo sa Korea
Polyc at Mikee.

Ah tattoo pala ang naging souvenir ni Mikee Quintos sa kanyang bakasyon sa South Korea kamakailan.

At naikuwento niya ito nang mag-guest siya Eat Bulaga pagkatapos ng kanyang biyahe doon kung saan talagang na-enjoy niya base sa mga post niya sa social media.

At sa isang sikat na tattoo artist siya nagpunta na nagta-tattoo raw sa sa mga miyembro ng K-pop group na BTS, si Polyc.

“Siya talaga ‘yung itinerary ko, siya kasi ‘yung gumawa ng friendship tattoos ng BTS so ‘yung ‘7’ tattoo nila sa iba’t ibang parte ng katawan nilang seven siya ang gumawa kaya I feel connected to them you know.

“Pero sobrang happy experience, ultimate fan experience siya,” pag-alala niya na isang certified BTS fan.

“Thank you, @polyc_sj! The hours spent in your shop was definitely the highlight of my korea trip! My army heart is happyyy,” post ni Mikee na mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailanman na kuwento tungkol sa isang PWD at isang preso.

Isang hummingbird ang pina-tattoo niya na ins­pired din ng BTS.

Dito rin sa artist na ito nagpa-tattoo si Arci Muñoz na kilala ring BTS fanatic.

Anyway, kasama ni Mikee sa bagong episode ng real life drama anthology si Kelvin Miranda.

Gagampanan niya si Jenefer, isang babaeng may kapansanan na galing sa isang abusive relationship. Dahil dito, may pagka-bitter siya pagdating sa pag-ibig.

Si Kelvin naman ay si Johncel, isang lalaking ilang taon nang nakakulong dahil sa isang kasong may kinalaman sa droga at tila nawalan na ng ganang mabuhay.

Pinamagatang To Love Again: The Johncel C. Magundag and Jenefer Francisco Love Story, mapapanood ito sa Sabado, October 8, 8:15 p.m. sa isa na namang brand new episode ng Magpa­kailanman sa GMA.

vuukle comment

MIKEE QUINTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with