^

PSN Showbiz

Paulo, dasal at good health ang birthday gift kay Janine

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paulo, dasal at good health ang birthday gift kay Janine
Paulo
STAR/ File

“Kamusta kayo ni Janine Gutierrez right now? Tanong kahapon kay Paulo Avelino pagkatapos ng finale media conference para sa Flower of Evil na nakatakdang magtapos this week.

“Ok naman, nag-uusap. Lumalabas pa rin.”

Anong birthday gift mo sa kanya?

“Siguro ang regalo ko sa kanya, prayers and good health. Hindi pa siya nagse-celeb­rate nang buo, eh. So makikita natin ‘pag may party na,”  say ng actor na matagal nang sinasabing karelasyon ng actress.

Anong birthday wish mo para kay Janine?

“Even busier and better career this latter end of 2022 and 2023.”

Samantala, napahanga si Paulo sa naging performance ni Piolo Pascual sa Flower of Evil.

“Na-amaze ako kay Papa Pi dahil kakaiba rin talaga ‘yung binigay niya rito. Napadali rin ‘yung trabaho dahil sa kanya.”

Patapos na nga ang nasabing local adaptation ng sikat na Korean drama at itataya na nina Daniel (Piolo Pascual) at Iris (Lovi Poe) ang lahat para mabuko ang mga karumal-dumal na krimen ni Jacob (Paulo Avelino) at para mabuo lang ang kanilang pamilya sa umaatikabong kaganapan sa huling dalawang episode nito.

Malapit nang mapatunayan nina Daniel at Iris na inosente nga si Daniel at hindi siya kriminal dahil si Jacob ang totoong kasabwat ni Abel (Gardo Versoza), ang tatay ni Daniel na kilalang serial killer.

Ngunit delikado ngayon ang lagay ni Daniel dahil desidido siyang patayin si Jacob. Tila sinaniban kasi si Daniel dahil naniniwala siyang pinatay na ni Jacob si Iris at nalaman na rin niyang si Jacob ang pumaslang kay Abel at sumaksak din kay Grace (Denise Laurel), ang kapatid ni Daniel na nag-aagaw buhay na ngayon.

Maaaring tutukan ang killer finale ng Flower of Evil sa Viu, iWantTFC, at IPTV (USA and Canada only) ngayong Huwebes (Oktubre 6) at Biyernes (Oktubre 7) ng 8 p.m. at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV sa Sabado (Oktubre 8) at Linggo (Oktubre 9) ng 9 p.m.

Pero kung ang iba ay adik sa Korean drama, hangga’t maaari naman ay original story ang gusto niyang gawin. “Hindi masyado but I watch a lot of Asian movies, Korean, Japanese, Taiwanese, Thai. Marami naman akong pinapanood na mga pelikula but what got me is knowing that it’s collab also between Dreamscape and Viu. And aside from that, the character is really challenging. I know it’s not the first time that you’ve seen me play someone mentally deranged. The hardest part was trying to figure out how to make it different from everything I’ve done before,” aniya sa ginampanan niyang role.

JANINE GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with