^

PSN Showbiz

Sue, ‘di akalaing makaka-survive sa ldr

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue, âdi akalaing makaka-survive sa ldr
Sue
STAR/ File

Tatlong taon nang magkasintahan sina Sue Ramirez at Javi Benitez. Kahit matagal nang magkarelasyon ay hindi pa raw sumasagi sa isipan ng aktres ang tungkol sa pagpapakasal.

May bagong seryeng gagawin si Sue ngayon habang ang aktor naman ay abala bilang bagong Mayor ng Victorias, Negros Occidental. “Ang dami ko pa pong gustong ma-achieve sa buhay ko. Nagsisimula pa lang tayo, guys. Papunta pa lang tayo sa exciting part. So I say, go, go, go,” nakangiting pahayag ni Sue.

Ayon sa aktres ay matagal na nilang nararanasan ng nobyo ang LDR o long distance relationship. Hindi naman daw ito naging hadlang sa kanilang maayos at masayang relasyon. “Steady communication talaga. Akala ko hindi ko masu-survive pero ito guys buhay na buhay. Pero okay naman so far. ‘Yon lang, kailangan lang talagang balansehin ang communication. Kapag nawala ‘yon siguro magiging shaky ang mga bagay-bagay. Pero as long as it’s alive, the communication is alive, then I think magwo-work naman,” paliwanag ng dalaga.

Randy, laging ganado sa Sing...

Nasungkit ng Sing Galing ang tatlong parangal mula sa Asian Academy Creative Awards 2022 kamakailan.

Ang Sing Galing ng TV5 ay ang kauna-unahan at orihinal na videoke game show sa bansa.

Isang malaking karangalan para sa lahat ng bumubuo ng programa ang patuloy na pagkilala ng naturang international award-giving body. Matatandaang nakamit din ng Sing Galing noong isang taon ang Best Non-Scripted Entertainment Program mula sa AACA. “Isang masayang araw para sa ating Sing Galing Nation. Panalo po tayo sa tatlong awards sa Asian Academy Creative Awards 2022. Una, national winner para sa Best Children’s Program ang Sing Galing Kids. Pangalawa, national winner para sa Best Non-Scripted Entertainment Program ang Sing Galing Sing-lebrity Edition. At pangatlo, national winner para sa Best Voice Artist si Show Suzuki ng Sing Galing,” paglalahad ni Randy Santiago.

Isa ang singer sa mga host ng programa kasama sina K Brosas at Donita Nose. Labis ang pasasalamat ni Randy sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa Sing Galing saan mang bahagi ng mundo. “Mara­ming, maraming salamat po sa inyong suporta. Kaya naman lagi kaming ganado na bigyan kayo ng walang-humpay na kantawanan (kantahan at tawanan) gabi-gabi. Maraming, maraming salamat po sa TV5, Cignal Entertainment, Cornerstone Studios, at siyempre sa mga Ka-awitbahay natin all over the world na nanonood po via TFC (The Filipino Channel). Again, muli po kaming nagpapasalamat sa Asian Academy Creative Awards sa pagkilala nila sa Sing Galing,” pagtatapos ni Randy.

Iaanunsyo ang 2022 Grand Final winners sa Dec. 7 at 8 mula sa Chijmes Hall ng Singapore.

Napapanood ang Sing Galing sa TV5 tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 6:30 p.m. Tuwing Sabado naman ng 6:00 p.m. napapanood sa Kapatid network ang Sing Galing Kids.

Ngayon ay dapat pakaabangan kung sinu-sinong Sing-testants ang papasok sa Team Galing na maglalaban-laban sa nalalapit na Grand Finals ng programa.

(Reports from JCC)

SUE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with