^

PSN Showbiz

Buhok ni Sandara, nakaw-eksena sa Paris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Buhok ni Sandara, nakaw-eksena sa Paris
Sandara
STAR/ File

‘Pag star ka ka talaga, kailangang gumawa rin ng gimik para mapansin.

Bongga ang ginawa ni Sandara Park sa Paris Fashion Week na talagang nakaw-eksena ang pagsuot ng kumot at ayos ng buhok.

Ok na rin ang mga suot ni Heart Evangelista na talagang mamahalin kaya bongga ring nakipagsabayan siya sa mga fashionista roon.

Siyempre mas pansin si Sandara dahil parang international star na siya, kaya celebrity talaga ang standing niya nang magpunta siya sa Paris Fashion Week.

Guest lang nang magpunta doon si Heart at ok na rin dahil mahirap makakuha ng invitation doon.

Bongga na talaga ang leveling ni Heart Evangelista, pang-international na talaga. Ibang klase ang fashion sense niya kaya naman tanggap siya ng international fashion world.

Hipon Girl, umiingay ang pangalan sa mga kontrobersya

‘Yung issue ni Herlene Budol o Hipon Girl sa kanyang da­ting mana­ger ay hindi na bago. Kaya nga dapat sa manager/talent relationship open kayo sa isa’t isa. Ang pangit na ang pinag-aawayan ng dalawang tao ay pera.

Dapat talaga pareho ninyong alam ang kinikita para maliwanag.

Siguro naman hindi pa ganun kalaki ang talent fee ni Hipon Girl para hindi mabilang kaagad.

At dapat din alam ng manager na kailangang i-report niya ang kinikita ng kanyang ta­lent. Hindi maganda na sa umpisa pa lang para bang confrontational na tao si Herlene Budol na kaagad may issue sa manager na kasama niya sa kanyang career.

Dapat inayos nila ito kaagad, para mas magandang ang mga unang balita sa kanya ay tungkol sa career niya at hindi sa away nila ng manager niya.

Bongga si Herlene na meron agad isang serye na uumpisahan. Kaya naman ngayon pa lang ang ingay na ng pangalan niya. Sana huwag masayang ang magandang break na ito, dahil minsan lang dumating ang mga ganitong suwerte.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with