^

PSN Showbiz

'Sila na ata talaga?': Atom Araullo, Zen Hernandez nagpakilig sa birthday greeting

Philstar.com
'Sila na ata talaga?': Atom Araullo, Zen Hernandez nagpakilig sa birthday greeting
Makikita sa larawang ito ang kapwa journalists na sina Zen Hernandez at Atom Araullo, na pawang shini-ship nang husto ngayon ng mga netizens
Mula sa Instagram account ni Atom Araullo

MANILA, Philippines — Tumindi ang bali-balitang "Instagram official" na sina Kapuso reporter Atom Araullo at Kapamilya anchor Zen Hernandez matapos ipaskil ng nauna ang nakakakilig na litratong labis kinainggitan ng fans.

Ngayong Martes lang kasi nang batiin ni Atom — na maraming tagahangang babae (at lalaki) — si Zen para sa kanyang kaarawan. Kalakip nito ang ilang litrato nilang tila sweet na sweet.

"Happy 28th birthday po," wika ni Atom sa kanyang paskil habang naka-tag si Zen.

"Edit: hindi po talaga siya 28."

Bumaha tuloy ng sari-saring reaksyon sa IG post ni Atom, ang ilan mula sa mga journo at celebrities habang ang iba naman ay mula sa mga long-time fans.

Napakomento na lang tuloy ng mga puso ang aktres na si Iza Calzado sa post, habang tila sinabi naman ng broadcaster na si Karen Davilla na bagay ang dalawa.

"Awwwww... Happy Birthday @zenhernandez! Cute nyo!" sabi ni Karen.

"Happiest birthday @zenhernandez... ayie papi!" wika naman ng dating Kapuso reporter na si Steve Dailisan, na kilalang naging piloto.

Ang netizen naman na si @angelicamown, napasabi na lang ng: "Tapos na po ba ang pila? ????" Ang sabi naman ni @ddkaye10, "May nanalo na pala."

Dating taga-ABS-CBN din si Atom gaya ni Zen bago lumipat sa GMA-7 taong 2017.

Hunyo 2021 pa lang ay iniintriga na ng kapwa journalist na si Pinky Webb sina Zen at Atom noong pare-pareho silang nasa Balesin Island.

"It was such a nice surprise?? Syempre,  kinilig ako ???? Kasi, alam mo na……it’s always so nice to see former officemates diba? Family is love... Kayo talaga," ani Pinky.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pinky Webb (@pinkywebb) 

— James Relativo

vuukle comment

ATOM ARAULLO

ZEN HERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with