^

PSN Showbiz

Kahit nababalitang may nililigawang anak ng bilyonaryo si Cong. Sandro, sexy star na si Alexa Miro kasama ng first family sa Singapore Grand Prix

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kahit nababalitang may nililigawang anak ng bilyonaryo si Cong. Sandro, sexy star na si Alexa Miro kasama ng first family sa Singapore Grand Prix

Bukod kay President Bongbong Marcos and First Lady Liza, Cong. Sandro Marcos and Speaker of the House Martin Romualdez na lumipad sa Singapore para sa Formula 1 Singapore Grand Prix, nag-weekend din doon ang sexy star na si Alexa Miro na napapabalitang girlfriend ng anak na kongresista ni PBBM.

At kasama rin nila sa grupo ang isa pa nilang katropa na si Rep. Aniela Tolentino na kamakailan ay pinag-usapan sa social media dahil sa landian nila sa plenary session ni Cong. Marcos.

Makikita nga sa official photo ng Grand Prix na enjoy ang magkarelasyon na sina Sandro at Alexa na nag-viral kahapon sa social media.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nag-abroad sila.

Last June ay nag-Europe raw ang mag-jowa ng ilang linggo at nun ngang nakaraang election ay tumulong ang sexy star sa pangangampanya ng anak ng pangulo.

Pero gusto lang daw nilang maging low key dahil may mga kontra nga sa nasabing relasyon kaya may pagkakataon na nag-deny sila.

Last year pa raw nagsimula ang relasyon nina Sandro and Alexa.

Semi-regular sa Laugh Out Loud si Alexa. Napanood na rin siya sa Araw-Gabi ng ABS-CBN noong 2018 at nagkaroon siya ng daring movie na A Girl + A Guy. Graduate ito sa La Salle.

Pero bakit kaya may kuwentong may nililigawang anak ng bilyonaryo si Sandro ayon sa isang source.

Tsinita raw ito at  kabilang sa pamilya ng mga may-ari ng sosyal na mall sa bansa.

Anyway, malaking issue kahapon ang nasabing pagbiyahe ng grupo ng pangulo sa Singapore dahil walang official announcement na manonood sila ng Singapore Grand Prix.

Samantala, bukod sa kanila, nag-Singapore rin lang weekend ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Makikita nga sa Instagram stories nina Gerald at Julia na nag-enjoy sila kahit maulan doon.

Namatay na ang intriga kina Julia at ama niyang si Dennis Padilla na umapela sa mga pahayag ng actress sa interview ni Karen Davila.

Mukha ring hindi na matutuloy ang interview ni Karen kay Dennis.

 

SANDRO MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with