^

PSN Showbiz

Kristoffer Martin, nilantad ang pagiging hopeless romantic

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kristoffer Martin, nilantad ang pagiging hopeless romantic
Kristoffer Martin

Inihayag ng Sparkle star na si Kristoffer Martin ang kanyang hopeless romantic side sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong single, ’Di Ba? sa  GMA Music.

Ang kanta, na nilikha ni Nicholai Ramil Basilonia, ay tungkol sa isang taong tumatanggi sa kanyang breakup at naniniwalang hindi natapos ang relasyon at cool-off lang.

Tuwa ang nararamdaman ni Kristoffer : “Natuwa ako habang nire-record namin siya. Iba ‘yung excitement and fulfilment. May mga option pong binigay ang GMA Music at ito po ‘yung tumatak sa ’kin kasi ang ganda ng pagkakasulat, ramdam na ramdam talaga ‘yung words. Na-excite rin ako kasi gusto ko talagang kumakanta in Filipino.”

Dagdag pa niya “First time ko rin mag-record na may ambag ako sa tugtog, gusto kong ganito ‘yung areglo at ‘yung feel ng kanta. May guitar solo akong binigay at may bridge part din. Ang sarap kantahin ng isang bagay na alam mong may ambag ka.”

For now, he’s not planning to explore other genres yet, “Sa ganitong genre na may pagka-rock at pop, parang mas nahanap ko yung comfort zone ko into singing. Somewhere in between sa mga genres na ‘yun. Mas kaya ko siyang i-deliver, mas nararamdaman ko siyang kantahin. As much as possible, gusto ko lahat ng kanta ko is in Filipino talaga. Mas gusto ko ‘yung hindi ko lang basta kinakanta, kundi nadarama ko rin ‘yung bawat words.”

Ipinahayag din ni Kristoffer ang kanyang pagmamahal sa iba pa niyang hilig, “First love ko talaga is singing kasi galing po ako sa singing contest, mahilig po talaga akong kumanta. Tapos binuksan ni Lord ‘yung door sa acting na minahal ko rin, in the process minahal ko talaga ng sobra. ‘Yung song writing, sumusundot-sundot kapag naramdaman then isusulat. So in a way balanse po silang tatlo.” When it comes to the roles he wants to portray, “Gusto ko ‘yung mga role na na-cha-challenge ako at sinasabi kong ‘di ko kaya pero pag nagawa ko grabe ‘yung fulfilment.”

Catch the premiere of Kristoffer’s performance video on October 7 at available na rin ito sa lahat digital streaming platforms worldwide.

Ate Shawie, biglang bawi!

Biglang bawi si Sharon Cuneta sa pang-iisnab sa kanya sa Hermes South Korea kamakailan.

Nag-viral kasi ito matapos niyang i-vlog. Sinabi niyang alam naman daw niyang by appointment dito.

“Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time - sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh! ,” biglang bawi ni ate Shawie na hindi niya nabanggit sa vlog.

 

KRISTOFFER MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with