^

PSN Showbiz

Sharon, nagpaliwanag kung bakit itinaboy sa Hermes SK

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nagpaliwanag kung bakit itinaboy sa Hermes SK

Naloka naman ako sa nangyari kay Sharon Cuneta sa South Korea.

Parang sobra naman yata ang ginawa ng Hermes store para mamili ng mga taong papasok sa kanilang tindahan.

Imagine mo pag ako ang nag-window shopping lalo sigurong hindi nila ako papasukin. Usually kasi pag nasa abroad, iyong ‘basura’ bag na malaki na ayaw na ayaw ni Salve dahil dugyot looking ang lagi kong dala, naka-slippers pa ako at sweatshirt na kadalasan oversized kaya mukha akong gusgusin.

Baka kahit sa display window hindi nila ako palapitin, hah hah hah.

Pero siyempre si Sharon nakabihis at maayos, tapos hindi papasukin. At may staff pang kasama.

Naku the height. As if naman pag wala kang Hermes hindi ka na tao, kaloka sila.

Pero buti na lang at itinama naman din ni Sharon kahapon na wala siyang appointment kaya hindi siya pinapasok.

Pero ngayon ko lang narinig na may ganun pala sa Hermes. Ang alam ko, puwede kahit sinong walk-in sa mga mga luxury store bagama’t may pagkakataong kailangan mong pumila dahil hindi puwede ang maraming tao sa loob ng tindahan ng mga mamahaling brand na tulad ng Hermes.

Cash for work may pakinabang

Bongga naman ang nabasa ko na umabot sa 2,000 Navoteños ang nakinabang sa Cash for Work program ng Department of Social Welfare and Development at ng  City Government of Navotas.

Tumanggap daw ang beneficiaries ng P5,370.00 para sa 10 days of work from September 12-21, 2022.

Inatasan silang gumawa ng iba’t ibang gawain tulad ng paglilinis ng barangay, paghahardin sa lungsod, pagde-declogging ng kanal, at paglilinis sa baybayin.

Bongga. Malaking tulong na rin ‘yun ha. Kesa naman papitik-pitik lang, puwedeng kumita.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with