^

PSN Showbiz

Vic at Pauleen, ulam lang ang pinagtatalunan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vic at Pauleen, ulam lang ang pinagtatalunan

Taong 2019 pa huling nakalahok ang pelikula ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival.

Matatandaang nagbida ang aktor sa MMFF 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity. Dahil sa pagkakaroon ng covid-19 pandemic ay mahigit dalawang taong napatigil sa paggawa ng pelikula ang aktor.Ngayon ay hinaha­nap-hanap na raw ni Vic ang nakasa­nayang paggawa ng MMFF movie para mapanood ng pamil­yang Pilipino tuwing Kapaskuhan.  “Miss na miss ko ang festival at gumawa ng pelikula. Actually, may concept na kami for an entry, kami nina Mr. Tuviera (Tony) sa APT Entertainment. Pero hindi namin kayang tapusin. Hindi naman ako ‘yung tipong matapos lang, makasali lang. when it’s meant for me, for us, my group, kapag kami ay sasali, kailangang mataas ang kalidad at hindi naman pwedeng gano’n lang. But we’re targeting to join again next year. So most probably next year balik-MMFF na ako,” pagbabahagi ni Vic.

Para sa beteranong aktor ay madali naman siyang makagagawa ng pelikula lalo pa’t wala naman siyang problema pagda­ting sa trabaho. “Alam n’yo naman, kakampi ko lahat. Kapa­milya, Kapatid, Kapuso, pero Kabisote lang ako. Walang masamang tinapay. Everything, no problem at all. Ever since, I never really had a problem pagdating sa trabaho,” giit niya.

Samantala, maglilimang taong gulang na ang anak nina Vic at Pauleen Luna na si Tali. Suportado umano ng aktres ang lahat ng proyektong ginagawa ni Vic. “Ang maganda kay Pauleen, nasa industriya rin siya. Naiintindihan niya ang trabaho ko. Sa kanya nanggagaling ang suggestions kung sino bagay sa ganitong character. Never kaming nagkaroon ng argument or pagtatalo. When it comes to leading lady or concept ng projects, she’s always supportive. ‘Yung mga utak namin hindi nagkakalayo. Ang isip niya, isip matanda, ako isip bata. Wala kaming problema,” nakangiting pahayag ni Vic.

Paminsan-minsan ay nagkakaroon daw ng pagtatalo sina Vic at Pauleen tungkol sa pagkain. “Gano’n lang kababaw. Kung gusto ko tocino, siya gusto niya pusit, ayos lang, gawin nating tocino with pusit. Tapos ang usapan,” natatawang kwento ng aktor.

Gladys, naniniwalang makakarma ang magloloko

Magdadalawang dekada nang mag-asawa sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Mahigit sampung taon munang magkasintahan ang dalawa bago pa tuluyang magpakasal.

Mula noon pa mang magkasintahan pa lamang ay talagang matatag na ang relasyon ng dalawa. Ayon kay Gladys ay mayroon silang sikreto ng aktor upang mapanatiling maayos ang pagsasama. “Can you believe it, we’re on our 29th year of togetherness. January 2023, we will be celebrating our 30th year of togetherness. Lagi naming sinasabi, unang-una panalangin talaga. Prayers, patience partnership. ‘yan ang palagi kong sinasabi, ‘yung tatlong P na ‘yan. Tons of patience kasi hindi pwedeng hindi kayo magkakainisan kahit gaano na kayo katagal o bago man kayo sa isang relasyon. Darating talaga ‘yung point na parang naiinis ka, ayaw mong makita. After few hours okay na naman. Wala namang perpektong relasyon. Siguro isa rin talaga ‘yung we respect each other’s individuality,” makahulugang paliwanag ni Gladys.

Naniniwala rin umano ang aktres na makararanas ng karma kung sino man ang magloloko sa mag-asawa. “Kung magloloko ‘yan, magloloko eh. Pero sinong magdadala no’n, kapag nagloko ang isang tao? Hindi lang naman natin sinasabi na ‘yung lalaki lang kasi pwede rin namang ‘yung babae. Siyempre makakarma naman kung sino ‘yung magloloko na ‘yon. Kaya sa amin po ‘yung tiwala ‘yung nangingibabaw. Saka siyempre ‘yung faith napakalaking bagay po sa relasyon naming mag-asawa,” dagdag pa ng aktres. (Reports from JCC)

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with