^

PSN Showbiz

Sharon, napagkamalang walang pambili sa Hermes South Korea

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon, napagkamalang walang pambili sa Hermes South Korea
Sharon Cuneta.

BFF talaga sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Halos pareho ang karanasan nila sa isang high-end store.

Pero kay Regine matagal na niyang naikuwento sa kanyang vlog.

Si Sharon, recent lang. As in nitong July lang nang magbakasyon sila sa South Korea ng kanyang pamilya.

Hindi siya pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea.

Sa kanyang latest vlog na may pamagat na Family is Love: Seoul Part 3 ay ipinapanood niya na hindi siya pinapasok sa Hermes store kung saan may collection siya ng mga bag nito.

Aniya, gusto niyang bumili ng sinturon pero ‘yun nga, napagkamalan yata siyang walang pambili.

Kaya ang ginawa niya, pumunta si Ate Shawie sa kalapit na Louis Vuitton store na VIP pa ang naging treatment sa kanya kung saan may pa-champagne and flowers na sobrang ikina-touch ni Ate Shawie.

At doon nga siya namili at makikitang ang dami nilang bitbit na LV paper bag paglabas ng store ng LV.

Super chika rin siya sa mga sales associate ng LV store dahil naikuwento pa niya na isa siyang singer sa bansa since bata pa.

Kaya nang dumaan ulit siya sa Hermes store, pinakita talaga nila ng mga kasama niya na namili sila sa LV.

“No more, I buy everything,” dialogue ni Ate Shawie.

Ang daming haka-haka sa nangyari sa kanya. Baka naman daw kasi walang appointment si Ate Shawie.

Eh hindi naman membership store ang Hermes sa pagkakaalam ko.

Anyway, hindi naman makikitang na-offend siya, pero parang nakakaloka lang na isang Sharon Cuneta napagkamalang walang pambili?

Almost the same ang story ni Regine sa LV store naman sa NY noon kung saan naramdaman niyang na-discriminate siya dahil ayaw siyang pakitaan ng size ng kanyang gustong shoes.

Ang kuwento niya noon, pumunta siya sa pinakamalaking LV sa New York. Excited daw siya pero sabi ng sales associate “No.”

“Na-discriminate agad ang lola niyo so na-depress ako nang very, very light,” sabi ng singer sa kanyang vlog.

Kaya ang ginawa niya, lumipat siya ng tindahan ng designer shop at ang ending 20 pairs of shoes ang nabili niya.

Si Regine noong-noon pa ‘yun kaya medyo understandable dahil ‘di pa noon uso ang social media.

Pero sa case ni Ate Shawie, kaloka naman na pinalayas siya.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with