^

PSN Showbiz

Coco at Jodi, dinumog sa meet & greet sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Coco at Jodi, dinumog sa meet & greet sa Amerika
Coco at Jodi

Alam mo, Ateng Salve, maganda ang resulta ng kick-off show ng FPJ’s Ang Probinsyano: Pasasalamat Tour USA concert sa Sycuan Casino sa El Cajun, California noong Saturday evening (kahapon ng umaga sa ‘Pinas).

Marami ang dumayo sa San Diego para manood ng show nina Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago, Michael de Mesa at ng FPJ’s Ang Probinsyano group.

May ibang mga kakilala kami na gusto sanang manood din ng show na hindi naman pumuwede dahil bawal sa venue ang wala pang 21 years old. Marami sa kanila na gusto sanang isama ang kanilang mga anak dahil fave si Coco.

Anyway, according to Jonathan Aligada of Liberty Entertainment, 94% ang paid tickets nila (meaning, hindi kasama ang ilang complimentaries), kaya sobrang happy ng executive producer nilang si Ms. Millie Gurfinkel.

Ang saya rin kasi ng show, kaya happy ang misis ni Atty. Michael J. Gur­finkel. Bongga!

After the show nagkaroon ng meet & greet sina Coco, Jodi at ang ibang mga kasama sa show at happy ang mga taong nagpakuha sa kanila ng pictures.

Past 11:00 p.m. naman nang makita namin na paalis ng Sycuan Casino si Coco. Sabi, may late dinner pa raw kasi sila sa isang Filipino restaurant.

Kami naman nina Ms. Millie, Ms. Cora Oriel (of Asian Journal), Ate Vina Verastigue at iba pang mga kasama sa show na ‘yon ay super chikahan sa may lobby.

In fairness, maganda ang feedback kina Coco, Jodi at iba pa. Marami ang nagsabing ang babait nila.

So nice!

Nakita rin namin sa lobby ng Sycuan Casino ang newlyweds na sina Donita Rose at Felson Palad.

Biniro ko pa nga na ma-’palad’ sila dahil kasal na sila.

Mrs. Palad na ngayon si Donita.

Ang saya raw nila kahit may ibang mga nang-iintriga. Hindi na nga raw nila iniintindi ‘yung mga negative na sinasabi ng iba basta masaya silang mag-asawa!

Naikuwento ni Donita na kasama rin siya sa cast ng pelikula nina Coco at Jodi, ang Labyu with an Accent, na magsisimula na ang shoo­ting this week.

Sa chikahan din na ‘yon ay naikuwento ni Donita na uuwi siya ng ‘Pinas sa Nov. 7 dahil may selebrasyon ang isa niyang kaibigan at siya raw ang magho-host.

‘Yun na!

COCO MARTIN

JODI STA. MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with