^

PSN Showbiz

Robin, ‘di natraydor ng sakit sa puso

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Robin, âdi natraydor ng sakit sa puso
Robin Padilla.

Mabuti naman at naoperahan na si Robin Padilla bago lumala ang kanyang sakit sa puso.

Napakatraydor ng sakit sa puso at biglaan kung umatake. Kaya naman salamat at naayos agad ang kanyang lagay.

Masuwerte pa rin si Mariel Rodriguez dahil ngayon na senador na si Robin kailangan talagang harapin nito ang trabaho at mas marami ngayon ang responsibilidad niya dahil nga mas mataas na posisyon nito sa gobyero.

Mabuti nga na naayos ang kondisyon ni Ro­bin Padilla bago ituloy ang hectic job ng pagiging senador. Get well soon, Robin Padilla.

Boy, maaasahan ng mga kaibigan

Bongga si Boy Abunda. Natuwa ako sa nabasa ko na para kay Mariel Rodriguez handa siyang ibenta ang bahay niya dahil love na love niya ang alagang si Mariel. Saka kung kilala mo si Boy Abunda siya ang tipo na ‘pag hiningan mo ng tulong ay gagawin ang lahat para matulungan ka.

Kaya hindi kataka-taka na kahit bahay niya puwede niyang i-give up para makatulong. Suwerte ang mga kaibigan ni Boy Abunda dahil matindi siyang magmahal ng friends. Kaya naman tuluy-tuloy ang suwerte niya sa buhay.

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with