^

PSN Showbiz

Robin, tagumpay ang operasyon sa puso!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Robin, tagumpay ang operasyon sa puso!
Mariel at Robin
STAR/ File

Bumuhos ang panalangin sa post ni Mariel Rodriguez na inoperahan sa puso ang mister niyang si Senator Robin Padilla.

Bagama’t walang binanggit si Mariel kung anong klaseng operasyon ang isinagawa sa mister na senador.

“We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay,” simula ng post ng TV host.

“Thank you for your prayers. we want to thank our cardiologist Dr. Lopez and Dr. Javier, all the nurses, med tech, people from admission and everyone in @asianhospitalph of course Dr. Rodney Fernan and Dra Agnes del Rosario and nurses in @cardinalsantos big big thanks to @betchayvidanes and the OSRP staff. praise God!!!,” ang kabuuan ng post ni Mariel na compilation ng photos and videos ni Robin at ng mga anak nila sa hospital.

Nagpasalamat ang mga anak ng senador sa matagumpay na operasyon at may video na sinusubuan ni Mariel ang asawa.

Maaalalang nung nakaraang Hunyo ay isinugod sa hospital si Robin habang nasa bakasyon sa Spain.

Post niya noon na : “Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin. Wala akong kahit Anong sakit pero bigla na Lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.

“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong hilo ako  May espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko.

“Kinakausap ako parang Nais niya ako alalayan ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko Nanumbalik ang lakas ng tuhod ko.

“Dahan dahan ako tumayo  Inalalayan ako ng espanyol Hindi ko siya naiintindihan kaya  Sabi ko Lang salamat señor.

“Hinanap ko kung Nasan ang asawa ko. Nakita ko ang 2 namin kapamilya kasama si gabzy na himbing na himbing sa kanyang stroller Wala si Mariel kasama si isabela na nakasakay sa isa sa mga rides . Nahihirapan na ako huminga. Bumibigat ang dibdib ko  Kailangan ko na pumunta sa ospital. Nagpaalam ako kay gabzy at sa mga kapamilya.

“Hilong Hilo na naman ako  Pinilit ko maglakad hanggang sa entrance

Wala akong makitang taxi  Nag message ako sa kababata ko na sunduin ako at magdala ng taxi. Pagtingin ko sa kaliwa ng entrance gate nakita ko ang clinic

“Pinuntahan ko agad ito pumasok at sinalubong ako ng nurse na marunong mag inglis  Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin

“Pinaupo niya ako kinunan ng BP  200/150  Nagulat ang nurse Inulit ganon ulit  Nagdesisyon siyang tumawag ng ambulance  Ilang saglit dumating na si Mariel at si isabela. Nagkaroon ako ng ngiti at nakabawas ng pagkagulo ng isip

“Pina inom ako ng pangbaba ng blood pressure pero walang pinagbago

“Dumating ang ambulansiya  Sinaksakan ako ng dextrose/ ecg

“Unti unti umepekto ang gamot. Naging 140/104 Napanatag ang lahat dahilan Para Alisin na ang mga aparato ng ambulansiya,” bahagi ng post noon ni Robin.

Maraming kontrobersyang kadikit ang pagiging senador ng actor na ang pinakahuli nga ay ang kay DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega sa ginanap na Senate finance subcommittee hearing . “Don’t be worried Sen. Robin Padilla. ‘Yung DFA at saka ‘yung gobyerno handang ipagtanggol ang bansa kung sino man ang lulusob sa atin, maging sino man sila,” ang sagot ng undersecretary pero ‘di natuwa ang senador at sumagot ng “Kaya ang itatanong ko po sana dun kanina sa barumbadong sumagot na undersecretary, siya po sana ang sumagot,  ay papano niya i-implement sa gitna ng West Philippine Sea ‘yung arbitral ruling.”

Agad namang nanghingi ng paumanhin ang USec, “Ah paumanhin po. Hindi  po ako nag-smirk. Paumanhin, Senator Padilla.”

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with