^

PSN Showbiz

Ivana, hinihingan ng tulong, 16 milyong followers na sa YouTube!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, hinihingan ng tulong, 16 milyong followers na sa YouTube!
Ivana
STAR/ File

Wow, 16 million followers na pala sa YouTube si Ivana Alawi.

Kaya naman ang daming nanghihihingi ng tulong sa kanya sa tuwing magpo-post siya sa kanyang Instagram account.

Though hindi sumasagot ang Kapamilya actress, or baka naman dini-direct message na lang nila para matulungan ang mga ito.

May mga follower kasi ngayon ang mga artista na parang nakabantay sa kanilang mga post upang manghingi ng tulong lalo na sa katulad ni Ivana na balita ngang kung ilang milyon ang kinikita sa kanyang YouTube channel.

Kasalukuyang napapanood si Ivana sa teleser­yeng A Family Affair na makikita na ng magkakapatid na Estrella ang hagupit ng galit ni Cherry Red (Ivana Alawi) ngayong alam na niya ang totoong sinapit ng kanyang magulang.

Alamin nga sa susunod pang eksena kung paano naman ni Cherry paglalaruan si Dave.

Napapanood ang A Family Affair at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs at Android) o iwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maaari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV at TV5.

IVANA ALAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with