^

PSN Showbiz

Juday, kinumpara si Rico yan kay Ryan

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday, kinumpara si Rico yan kay Ryan
Rico at Juday
STAR/ File

Maaari nang mapanood muli ang mga lumang pelikula ni Judy Ann Santos sa pamamagitan ng ktx.ph. Nakabilang sa Sagip Pelikula ng ABS-CBN Film Restoration ang Mara Clara The Movie, Paano Ang Puso Ko, Bakit Di Totohanin, Isusumbong Kita Sa Tatay Ko at ang Kay Tagal Kang Hinintay. Pumatok sa takilya ang mga naturang pelikulang pinagbidahan ng aktres mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.

Masayang inalala ni Juday ang mga proyektong pinagtambalan nila ni Rico Yan. Hindi raw inakala ng aktres na papatok sa mga tagahanga ang kanilang tandem ng namayapang matinee idol. “Si Rico kasi parang si Ryan (Agoncillo, asawa ni Judy Ann) na akala ng mga tao sobrang hirap makausap kasi Inglesero. Medyo sosyal, commercial model. So magkaibang-magkaiba na naman even before I met Ryan. But, napakabargas na tao ni Rico Yan and napakatotoo rin niya,” pagbabahagi ni Judy Ann.

Para sa Young Superstar ay hindi naging mahirap ang kanilang trabaho ni Rico noon dahil talagang nagkasundo kaagad sila. “Nag-click rin kami because he has his way of making you feel comfortable at saka kung bastusan ang usapan, bastos pa siya sa salitang bastos. In a way that is not offensive and napaka-genuine kasi niya na tao and dahil nga napakatalino and napakabokal niya sa puso ng maraming bagay, he was one of few people na whenever I had a breakdown, very few ‘yung taong mangangamusta sa akin,” kwento niya.

Maituturing umano ni Judy Ann na talagang nagkaroon sila ng espesyal na koneksyon ni Rico kahit noong hindi na magkatambal. “Dumating ‘yung point na I was paired with Piolo (Pascual) and he was paired with Claudine (Barretto) and they had a relationship already, he would still try to come up with a conversation. ‘Kamusta ka na?’ and ganyan. Kumbaga hindi naman masyadong nawala ‘yung communication namin. The spark with Rico and I was very genuine in a way na whenever we get interviewed at tinatanong na are you together, we would always say ‘No’ kasi hindi naman talaga. And hindi naman talaga umabot na naging kami. We could say na we’re more than friends but we’re not lovers. Mayroon lang kaming respect and point of view sa friendship namin na nandito lang tayo,” makahulugang pahayag ng aktres.

Kim, sabik padirek kay Xian

Bukod sa pagiging isang aktor ay sumabak na rin si Xian Lim sa pagiging isang direktor. Nakapagdirek na ang binata ng music video, ilang TV segments at pelikula.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin daw maidirek ni Xian ang kasintahang si Kim Chiu. “Siyempre pangarap ko madirek si Kim. And in the future sana mangyari,” maikling pahayag ni Xian.

Huling nagkatambal ang magkasintahan sa pelikulang Always na ipinalabas sa mga sinehan kamakailan lamang.

Maging si Kim ay nananabik na ring makatrabaho si Xian bilang kanyang direktor. “Oo naman, bahala na siya, dalhin na niya ako. Kung si Xian siguro it’s going to be fun. Kasi hindi naman namin alam kung kailan ang next project namin together. Siguro masaya ‘yon kung siya naman ang direktor ko. Tapos kaming dalawa rin ang artista,” paglalahad ni Kim. (Reports from JCC)

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with