Sandara, napagkamalang kumot ang inirampa sa Paris!
Agaw-eksena rin sa Paris Fashion Week si Sandara Park.
Pero iba ang style ni Dara sa style ni Heart Evangelista.
Balot na balot si Dara sa ibang outfit niya.
Kaya naman may napa-comment na parang blanket lang na pinulupot sa K-pop idol ang last post niya. Pero kering-keri niya naman at star na star sa pagrampa sa France ang K-pop idol.
Sanay na si Dara na rumampa sa Paris Fashion Week dahil marami na siyang beses na inimbita para magsuot ng mga iba’t ibang brand.
Samantala, nasa PFW din sina Dra. Vicki Belo na proud na proud sa mister niyang si Hayden Kho na kasali sa isang camera store exhibit sa Paris ang photo ng anak nilang si Scarlet na kuha ni Hayden.
“I am such a proud wife because @dochayden s photo of @scarletsnowbelo is on exhibit at the @leica_camera store in Paris . It’s so different when other expert photographers appreciate his art,” sabi ni Dra. Belo na second home na ang Paris kung saan nga sila ikinasal ni Hayden.
- Latest