^

PSN Showbiz

Dennis, nag-aral maging authentic

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, nag-aral maging authentic
Barbie, Dennis at Julie Anne.

Interesting din ang papalit sa Lolong ni Ruru Madrid na nagtapos na kagabi – kumbinsyon ng pagmamahalan at kasaysayan na magbibigay ng aral sa mga manonood – ang Maria Clara at Ibarra.

Mula sa mga gumawa ng Encantadia, Amaya, Sahaya and Legal Wives, isang kakaibang kuwento ang pinagbibidahan nina Barbie Forteza as Klay, Julie Anne San Jose as Maria Clara, and Dennis Trillo as Ibarra.

Dennis shares his long preparation for the crucial and iconic character of Ibarra: “Dapat tama lahat ng salitang bibigkasin mo, ‘yung kilos, pag-arte at pananamit. Maraming dapat isipin para maging authentic ang mga eksena at paniwalaan na nangyari talaga siya noong unang panahon. Importante na basahing maigi ang script para makita ang dynamics ng eksena kapag nag-meet na ang past at present.”

Naalala naman ni Barbie nang i-offer sa kanya ang role na Klay: “Tuwang-tuwa ako, nung una hindi pa ko naniwala agad kasi napakalaking project niya. Metikulosong binusisi ang programang ito and I’m very thankful to be part of it.”

Julie Anne, on the other hand, reiterates the most exciting part of her role and how it inspires her in real life, “Si Maria Clara kasi napaka-iconic niya eh. We all know her as a symbol of hope, purity and sacrifice. Ine-embody niya ‘yung isang babae na may pinaglalaban sa buhay and pinaglalaban niya ‘yung mga karapatan niya.”

Equally important din umano ang role sa series ni Mr. Tirso Cruz III as Padre Damaso.

Meron ding special participation si Andrea Torres as Sisa, ang affectionate mother nina Crispin and Basilio who loses her mind while searching for her sons.

Maria Clara at Ibarra follows the story of Klay, a Gen Z nursing student who aims to work and bring her family abroad. Malapit na siyang magtapos, ngunit bumagsak siya sa isang minor subject —ang Rizal Studies. Naniniwala si Klay na ang subject na ito ay walang kaugnayan sa kanyang buhay at karera sa hinaharap.

Si Zig Dulay ang nagdirek nito na umaming marami silang kinonsulta para maging makatotohanan ang mga eksena.

DENNIS TRILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with