^

PSN Showbiz

Tunay na Rabiya, Ipapakita sa MPK

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tunay na Rabiya, Ipapakita sa MPK
Rabiya Mateo.

Sa unang pagkakataon ay mapapanood ang kuwento ng tunay na buhay ni Rabiya Mateo sa telebisyon na dinaan lang sa TikTok ang pagsagot sa kontrobersya na nagparetoke siya ng ilong kaya siya gumanda.

Sa kanyang TikTok account nga ay pinisil-pisil niya ang ilong gamit ang isang filter at nilagyan ng caption na “Totoo ang chismis Hahahaha.”

Maraming nagkalat na photos niya noong bata at sinasabi ngang nag-iba na siya ng hitsura since sumali siya sa mga beauty pageant.

Anyway, mapapanood ang buhay ng beauty queen-turned-actress sa real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na si Rabiya pa mismo ang gaganap sa kanyang sarili.

Ayon sa ex ni Jeric Gonzales, dalawang bagay ang pinapangarap niya noong kanyang kabataan – una ay ang maging isang beauty queen at makilala ang kanyang ama.

Aminado si Rabiya na bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging beauty queen.

Bagama’t galing siya sa mahirap na pamilya, nagpursige naman siyang makaaral hanggang nakuha ng scholarship at naging working student.

Hindi naging madali sa kanya ang pinagdaanan lalo na nga at walang-walang talaga siya na kahit pambayad sa boarding house ay wala siya.

Pero dahil sa tiyaga, nagbunga ang pagtitiis niya.

Hanggang nakapasok siya sa natio­nal pageants pero ang Miss Universe PH noong 2021 ang nagbigay ng bagong buhay sa kanya.

Nang matapos ang kanyang reign ay pumirma siya ng kontrata sa Sparkle ng GMA Artists Center.

Hindi naman niya itinatago na kahit ‘di nakasama ang ama ay gusto niya itong makilala.

Meron na nga bang linaw ang paghahanap niya sa kanyang ama,

Mapapanood ang kanyang kuwento sa brand new episode ng Magpakailanman na pinamagatang Basta Ilongga, Guwapa: The Rabiya Mateo Story, October 1, 8:15 p.m. sa #MPK.

“Dasal lang talaga. There are times na hindi mo na talaga kaya, itataas mo na lang talaga sa kanya. Itatataas mo talaga sa langit. Pero you have to be strong especially kung may mga anak kayo. Ikaw ‘yung ilaw, ikaw yung magiging pedestal. Kaya you have to be strong. There are times na tao ka rin kailangan mong ihinga, ihinga mo. Kasi if you keep it within, mahirap, baka mag-breakdown. Itaas lang talaga.

“Kailangan lang talaga strong yung support system kailangan matibay, kailangan sila ang nagli-lift up sa ‘yo. Sila ‘yung nagpapalakas ng loob mo.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with