^

PSN Showbiz

Bb. Pilipinas Universe Celeste Cortesi, may isyu ang kontrata sa beauty clinic

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bb. Pilipinas Universe Celeste Cortesi, may isyu ang kontrata sa beauty clinic
Celeste Cortesi.

Titigilan ko na nga si Bea Alonzo at harapin si Celeste Cortesi, ang Bb. Pilipinas Universe. Hahaha.

Imagine, sabi ni Pinky Tobiano na madalas niyang makita ito na nagpapa-service sa Avignon Beauty Clinic pero ngayon bigla na sa Belo Medical Group na siya.

Sure ako na meron pa siyang contract sa Avignon at hindi ito alam ni Dra. Vicki Belo.

Bongga si Celeste ha, hindi niya naisip na medyo unethical ang ginawa niya at puwedeng magdemanda ang Avignon.

At puwede rin na baka maging dahilan ito para mag-isip ang Belo na huwag masali sa gulo kung sakali.

Ewan namin kung ano ang dahilan ng management ni Cortesi para gawin ang paglipat from Avignon to Belo nang hindi muna inaayos ang kontrata. Pero siguro dapat nila itong ayusin bago humantong sa legal problem. Hindi naman siguro maganda para kay Celeste Cortesi na magkaroon ng legal problem dahil lang sa free service para sa beauty treatment or kung may financial package man hindi rin maganda na para bang dahil dito kaya nagkaroon ng problema.

Avignon vs Belo over Celeste Cortesi, bongga ha. Belo will always be number 1 even without Celeste Cortesi, at siguro naman Avignon will also be popular in beauty service kahit walang endorser.

So tingnan natin kung hanggang saan darating ang issue na ito, makakatulong ba o makakasira kay Celeste?

O kung may paliwanag si Celeste, bukas ang pahinang ito.

Dina at Pauleen, walang intriga

Natatawa ako kay Dina Bonnevie dahil sabi niya sa isang interview na uncomfortable siya kay Pauleen Luna. Kasi nga para namang napaka-civil nila sa tuwing magkikita sila sa isang lugar, at alam naman ni Dina na maganda ang relasyon nina Danica at Oyoboy kay Pauleen.

Sure ako na walang problema dahil mabait at magandang makisama si Pauleen, at very level-headed si Dina na hindi magiging problema sa pagiging friendly kay Pauleen.

Maganda ang lahat ng bagay sa paligid ng mundo ni Vic Sotto kaya no problem. Kaya hindi puwedeng intrigahin ang samahan nila.

CELESTE CORTESI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with