^

PSN Showbiz

Beauticians, wagi ng P1 milyon

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Beauticians, wagi ng P1 milyon
Vice Ganda.

Inulan ng swerte ang pagbabalik ng Everybody, Sing! dahil buena manong nasungkit ng songbayanan na beauticians ang jackpot prize na isang milyong piso noong Sabado (Set­yembre 24).

Nakaipon ng 80 segundo ang 50 pla­yers na beautician na nagamit nila sa jackpot round, kung saan nahulaan nila ang 10 titulo ng mga kantang pinatugtog ng bandang Six Part Invention. “Deserve n’yo ‘yan sa rami ng mga buhay na pinapaganda ninyo, sa rami ng mga mukhang pinapaganda ninyo, at sa rami ng mga damdaming pinapaganda ninyo. Congratulations. Bawat isa sa inyo tatanggap ng P20,000,” ani Vice Ganda matapos ang makapigil-hiningang paghula ng songbayanan sa ika-10 kanta na Mahal Na Kita.

Sa pangalawang episode naman ng programang nagbabalik noong Linggo (Setyembre 25), nagwagi ng P70,000 ang mall sales clerks matapos nilang mahulaan ang pitong kanta sa jackpot round.

Samantala, nag-trending din nationwide sa Twitter ang community singing game show ni Vice Ganda sa pagbabalik nito noong weekend.

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na Everybody, Sing! na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.

Ngayong Sabado at Linggo (Oct. 1-2), ang magiging songbayanan naman ay mga kusinero at kusinera at Quiapo vendors.

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with