^

PSN Showbiz

Janice, ayaw nang makatrabaho si John kahit kailan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janice, ayaw nang makatrabaho si John kahit kailan!
Janice De Belen.

Ayaw nang makatrabaho ni Janice de Belen si John Estrada sa telebisyon man o pelikula. Para sa beteranang aktres ay mas mabuti na maging magkaibigan na lamang sila ng dating asawa. “We might just inconvenience the people we will be working with. So it’s better na huwag na lang,” giit ni Janice.

Ayon sa aktres ay masaya ang kanyang buhay kahit matagal nang walang karelasyon. Kapag walang trabaho ay abala si Janice para sa kanyang mga anak. “I enjoy being alone. I enjoy my independence for a long time now. I forgot about having a partner already. I don’t think kaya ko pang mag-adjust to be with a partner. This pandemic, all my kids are with me. My worries were how to stay healthy and how to survive the pandemic, because I was busy cooking for the kids. They were eating non-stop,” kwento niya.

Samantala, mahigit apat na dekada na si Janice sa showbiz industry. Sa ngayon ay wala na raw maituturing na dream role ang magaling na aktres. “There are roles that are imposible for me to do at this point. Hindi na ako bagets. Age-wise, hindi na, body-wise, definitely hindi na rin. I’m realistic. Whatever roles that come to me, if they are in my gain. I will do it. Kontrabida, hindi kontrabida, mayaman, mahirap. Basta maganda sa pandinig ko, I think I can do it,” paglalahad ng beterananag aktres.

Jorox, kinumpara kina Dolphy at Nida noon

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa pamamagitan ng iWantTFC ang Hoy, Love You! na pinagbibidahan nina Ro­xanne Guinoo at Joross Gamboa.

Mula noon pa man ay talagang pumatok na sa mga tagahanga ang tambalan ng dalawa na mas nakilala sa bansag na JoRox. Ngayon ay mayroong ilang ikinukumpara ang tambalan nina Roxanne at Joross sa tambalan nina Dolphy at Nida Blanca noon sa John En Marsha. Para kay Roxanne ay talagang isang malaking karangalan na maikumpara sa mga namayapang showbiz icon. “Siyempre ibang level ‘yung ma-compare ka. Pero we make sure na tatak din kami as JoRox siyempre. Privilege and advantage for us na gano’n and also pressure ‘yon. Malaking factor talaga ‘pag original love team kayo eh. Kahit anong i-break sa inyo, i-partner ka sa iba, mag-end up kayo pa rin. Alam na naming may chemistry talaga. Kabisado na namin ang isa’t isa. And kahit may kanya-kanya na kaming pamilya, alam na namin,” paliwanag ni Roxanne.

Para naman kay Joross ay malaking bagay rin ang kanilang mga kasamahang artista sa naturang online series. “Ang maganda kasi dito hindi as JoRox ‘yung palabas. Ang bida dito is ‘yung istorya na kinukuwento ng Hoy, Love You! family. Ang kagandahan rito is lahat makaka-relate. Hindi lang ‘yung JoRox fans, pati ‘yung Papa Doms (Dominic Ochoa) fans, mga KarJon (tambalan nina Aljon Mendoza at Karina Bautista),” pagbabahagi ni Joross.

(Reports from JCC)

JANICE DE BELEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with