^

PSN Showbiz

Annabelle Rama, takot pa rin sa COVID-19!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Annabelle Rama, takot pa rin sa COVID-19!
Annabelle
STAR/ File

Ilang mayayamang kaibigan, namatay

“Takot ako sa COVID. Ayoko pa mamatay, day,” sagot ni tita Annabelle Rama kung bakit  hindi siya masyadong naglalalabas nang dumating siya sa contract signing ng daughter-in-law niyang si Sarah Lahbati for Luxe Skin ni Ms. Anna Magkawas the other day.

May mga kaibigan ka bang namatay sa COVID? “Marami, sa Cebu, sa Manila, sa ‘min. Kaya natakot ako lalo. Number one, sa akin, sa sarili ko.”

At hindi raw basta COVID, ang lakas ng virus na tumama, pakiramdam niya ay Omicron na kahit ilang mayayaman niyang mga kaibigan ay namatay kahit anong dami ng pera.

Hindi ka ba nagkasakit ngayong pandemic? “Hindi. Sa awa ng Diyos, hindi naman. Kumpleto ako ng vitamins ko, nine. Malakas ang immune system ko.”

Na true naman dahil ayon mismo kay tita Annabelle, breakfast, lunch and dinner siya kung kumain ng litson.

At mga balat pa ‘yun. Hindi ka nagda-diet? “May maintenance ako, day,” sabi niya habang lumalantak ng litson.

Bahay lang siya saka ‘pag may time ay lumabas-labas. “Hindi na. Pahinga muna.”

Pero ang isang sigurado, may bonggang birthday celebration siya sa October. Ang dami raw kasing nagbibigay ng mga regalo.

Advance happy birthday, tita Annabelle.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with