^

PSN Showbiz

‘Ysabel o Jillian, mas bagay kay Alden!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âYsabel o Jillian, mas bagay kay Alden!â
Ysabel
STAR/ File

Sayang naman ang Start-Up PH. Hindi raw masyadong tinanggap ang kapareha ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda sa kanya.

Baka mag-consult sa lawyer na naman ang Team Bea Alonzo ‘pag sinabi ko na kasi naman dapat talaga mas bata ang partner ni Alden, ‘yung youngstars tulad nina Ysabel Ortega o Jillian Ward dahil Start-Up, bagong graduate sa college na naghahanap ng trabaho.

Mukhang Tita Bea si Bea Alonzo kaya mas maganda pang si Yasmien Kurdi na lang sana ang nilagay sa role niya na kitang-kita mo na talagang mukhang haggard na si Bea Alonzo.

Puwede kayang i-consult sa lawyer kung paano mapapabata ang mukha ni Bea Alonzo? Sayang ang Start-Up PH kasi ang ganda sana ng project, bagay na bagay kay Alden na ang guwapo at fresh na fresh tingnan.

Siguro kung ‘di si Bea Alonzo ang kasama ni Alden, baka bonggang-bongga sana ang resulta ng Start-Up PH.

Baka mas mataas ang rating at lalong darami ang manonood everyday dahil maganda ang pagkakagawa.

Hay naku, dapat mag-consult sa lawyer si Bea Alonzo para malaman why o why kailangang magpa-cancel siya ng reporters sa kanyang presscon eh wala naman palang star power ang kanyang haggard beauty. Ang yabang ng dating na magpa-cancel ng writers sa presscon eh hindi naman nag-rate ang program niya na pati si Alden  nadamay sa parang jinx.

Naku, ha, eye opener sa mga nagpa-power play, tingnan muna ang kakayahan ng stars n’yo noh bago mag-demand. ‘Pag wala namang star power, dapat mabait noh, huwag maarte. May pa-cancel at consult sa lawyer pang nalalaman, ayaw ng P150K ni Atong Ang at Gretchen ­Barretto.

START-UP PH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with