^

PSN Showbiz

Lea, kabilang sa TIME100 Impact Awardees

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lea, kabilang sa TIME100 Impact Awardees
Lea
STAR/ File

Kabilang si Lea Salonga sa tatanggap ng TIME100 Impact Awards sa Singapore.

Kasama sa pinangalanan ng TIME bukod kay Lea sina Alia Bhatt, actor / producer; Gregory L. Robin­son, dating direktor ng James Webb Space Telescope Program at Dr. Pardis Sabeti, computational geneticist.

Magho-host ang TIME ng isang cocktail party para sa nabanggit na apat na awardee sa Oktubre 2 na gaganapin sa National Gallery Singapore at ang seremonyas ay susundan ng isang viewing party para sa Formula 1 Singapore Grand Prix.

Kinikilala ng Time 100 ang mga taong malaki ang naimbag sa kanilang ginagawalang industriya at gumawa ng hindi pangkaraniwan upang hubugin ang kinabukasan ng kanilang mga industriya at buong mundo.

Legit at ‘di basta-basta ang nasabing parangal kay Lea kumpara sa iba na hanggang social media lang ang batayan.

LEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with