^

PSN Showbiz

Gerald, binura ang comment kay Rayver na kasama si Bea!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald, binura ang comment kay Rayver na kasama si Bea!
Gerald at Bea
STAR/ File

Natakot kay Julia?!

Iba’t iba ang reaction ng social media users sa ginawa ni Gerald Anderson. Bigla kasi nitong binura ang comment niya sa post ng best friend forever niyang si Rayver Cruz na kasama sa matagumpay na two-night concert ng GMA Pinoy TV sa Amerika nitong weekend, Sept. 24 and 25!

Aside from Ravyer, kabilang din sa Together Again US concert sina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Lani Misalucha at Julie Anne San Jose.

Kaya naman panay ang post ni Rayver ng souvenir photos nila kasama si Julie Anne at sina Bea and Dingdong. May post siya na ang caption ay “back in the city of angels.”  Pero series of photos ‘yun at siguro hindi swinipe ni Gerald kaya’t nag-comment ng “without me? (with crying emoji).”

Solo picture kasi ni Rayver ang nagsisilbing cover photo ng nasabing post. Sa second photo ay kasama na nito si Julie Anne at sa third ay andun sina Dingdong at Bea.

Kakatawa dahil huli siya sa akto, kumbaga, ng followers ni Rayver sa kanyang ginawa. May ganun kasi, baka nga ‘di agad  nag-swipe si Gerald. Kaya ang running joke, natakot siya sa girlfriend na si Julia Barretto.

GERALD ANDERSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with