^

PSN Showbiz

Fave lead actor, actress, love triangle at affair na pinakatumatak, pararangalan sa Jeepney TV Favorite Awards

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Fave lead actor, actress, love triangle at affair na pinakatumatak, pararangalan sa Jeepney TV Favorite Awards
Angel
STAR/ File

Aling love triangle, love affair triangle ang gumawa ng pangmatagalang marka?

Kikilalanin na ang mga hindi malilimutang bida sa mga teleserye, love triangle, at love triangle affair sa Jeepney TV Fan Favorite Awards na nagbibigay pugay sa mga ‘di malilimutang Kapamilya program at mga natatanging pagganap sa telebisyon sa nagdaang dekada.

Sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Claudine Barretto, Janella Salvador, Judy Ann Santos, Julia Montes, Jodi Sta. Maria, Kathryn Bernardo, at Liza Soberano ang kabilang sa mga nominado sa kategoryang Fave Lead Actress dahil sa kanilang mga tumatak na karakter sa iba’t ibang serye ng ABS-CBN.

Samantala, kabilang naman sina Albert Martinez, Carlo Aquino, Coco Martin, Daniel Padilla, Enrique Gil, Gerald Anderson, Ian Veneracion, at Jericho Rosales sa mga maglalaban-laban para sa Fave Lead Actor award kung saan nominado rin sina John Lloyd Cruz, Joshua Garcia, JM de Guzman, Paulo Avelino, Piolo Pascual, Sam Milby, at Zanjoe Marudo.

Maglalaban-laban naman ang mga bida ng Rubi, Kadenang Ginto, Pangako Sa’Yo (original and remake), Ngayon at Kailanman, Walang Hanggan, Princess and I, Tayong Dalawa, Wildflower, at On The Wings Of Love para sa Fave Love Triangle award.

Pwede ring bumoto ang fans para sa Love Affair Triangle na talaga namang tumatak sa kanila mula sa mga programang The Legal Wife, Tubig At Langis, Ang Sa Iyo Ay Akin, The Broken Marriage Vow, Two Wives, The Better Half, at Init Sa Magdamag.

Maaari nang bumoto para sa pinakahuling grupo ng kategorya kasama ang Fave Lead Actor, Lead Actress, Love Triangle, at Love Affair Triangle awards sa JoinNow, Jeepney TV Fans Facebook group, at TikTok hanggang Oktubre 8 (Sabado).

Tuloy pa rin ang botohan para sa Fave Kapamilya Serye Iconic Lines, Fave Kontrabida, at All-Time Favorite Loveteam hanggang Oktubre 8.

Papangalanan ang mga magwawagi sa isang virtual awarding ceremony sa darating na Oktubre 22 kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Jeepney TV. 

ANGEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with