^

PSN Showbiz

Kris, laging handang tumulong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, laging handang tumulong
Kris
STAR/ File

Kahit may sakit...

Kaya hindi ko puwedeng hindi mahalin si Kris Aquino dahil lagi siyang ready to help out kung kailangan mo siya, Salve. Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dperso­nalshopperph na nagda-dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin para alamin kung ano ang kailangan ko at ibibigay niya agad.

To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship naming dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris ang naging friendship namin. Kahit kelan, sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas-palad siya dahil mabait ang puso niya.

More than anything gusto kong gumaling si Kris para sa mga anak niya.

Sana naman anuman ang sakit niya gumaling na at maging energetic siya uli. Kris will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya.

Pagaling ka, Kris, don’t stress yourself sa mga bagay na walang kuwenta, you are loved and you are worth the love.

Thank you, will always remember your sweetness and kindness.

‘Rampa pa rin...’

Nagtataka ako kung bakit parang shocked ang marami ‘pag nari­rinig na nagpapa-dialysis ako twice a week.

Para bang hindi na ako puwedeng mag-work, rumampa, o lumabas. Para bang end of the road na ang dialysis ko. Twice a week, four hours per session, naiirita ako sa process, pero wala na akong magagawa, iyon na talaga ang sinabi ng doktor ko, so behave na lang ako.

Pero sa mga araw na wala akong dialysis, balik sa normal ang sked ko, rampa pa rin ako. Sa edad ko na 76, siguro naman expected mo na hinay-hinay na rin dapat dahil matanda na. Pero likas akong lakwatsera, at kaladkarin, so rampa pa rin.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with