^

PSN Showbiz

Polo, gf at anak na one year old, tinamaan ng matinding COVID; Japanese rapper na gustong magka-career sa Pilipinas dini-display ang mga datung sa social media

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Polo, gf at anak na one year old, tinamaan ng matinding COVID; Japanese rapper na gustong magka-career sa Pilipinas dini-display ang mga datung sa social media
Tomoro at Polo

Aminado ang aktor na si Polo Ravales na ang hirap magkaanak. One year old na ang baby nila ng partner niya na si Paulyn Quiza, isang fitness trainer ng maraming celebrity. “Oh my God ang hirap magka-baby,” pag-amin niya sa aming interview.

“Hirap pala noh  lalo na ‘pag wala lang helper. Pero sobrang sipag ng partner ko, siya yung naglilinis ng bahay and then nagluluto. Ako yung nag-aalaga tapos ‘pag wala naman siyang gagawin siya yung nag-aalaga,” dagdag niya.

“Tapos ako naman ‘yung kumbaga gagawin ko yung... kung anong pwede kong gawin. Pero yung mga we going out wala na wala nang ganon. Wala nang night life. Kasi ang hirap din magkaroon ng night life dahil nakakatakot,” sabi pa niya lalo na nung magka-COVID sila.

“Nagkaroon na kami ng COVID dati pati siya, pati yung baby namin tinamaan. Birthday ko pa last June. Meron dapat akong parang small celebration for my 40th birthday.  Naka-prepare na lahat, tinamaan kami ng 24. June 24 nagka-symptoms kami pati yung baby. Kaya hindi natuloy plus nakita ko hindi omicron yung tumama sa amin medyo malakas eh.

“Hinihingal kami. Good thing malakas yung baby.”

Hindi kayo na hospital? “Hindi, nilagnat baby ko mga two days. So talagang naiiyak ako nun sabi ko ‘my God ganito pala yung feeling nun’. Hindi ko alam bakit yung ibang tao minamaliit nila yung covid. Sa amin hindi omicron eh so talagang ang tindi. So sabi namin yung night out wala muna not unless importanteng-importante.”

Hindi naman alam ni Polo kung saan sila talaga nahawa.

Anyway, nakausap namin si Polo nang ipakilala niya sa ilang press ang Japanese rapper na si Tomoro.

Gusto raw nitong magka-career sa bansa at meron silang common friend kaya tinutulungan niya.

Pero wala pa sa plano niyang mag-manage ng talent.

Mayaman si Tomoro base sa kanyang Instagram account. Parang Floyd Mayweather ang ‘image’ na pinakikita ang mga pera niyang bundle bundle sa social media.

Actually sa isang post niya ay kasama niya si Mayweather na nasa Japan kung saan nga sila nagkita ni Manny Pacquiao.

Ayon sa post ni Tomoro, nag-hang-out sila ni Mayweather dahil marami raw itong (Tomoro) pag-aaring bar sa Japan. “The world’s strongest fighter, Floyd Mayweather came to Japan. We hangout together until morning in my scene Roppongi.”

Inimbitahan din siya ni Pacman sa kanyang mansion dito sa Forbes. “I was invited to Manny Pacquiao’s home, and now I’m at Manny Pacquiao’s home.? As expected of a world champion celebrity.The house is also huge. “Manny Pacquiao is coming to Japan.

“Everyone in Japan, please look forward to it” aniya sa post bago pa nagkita sa Japan sina Pacman at Mayweather.

Wala pang recording company sa bansa si Tomoro pero nasa YouTube na ang mga kanta niya at kasama pa niya sa isang music video si Arci Munoz.

Mga nakakakita gulat na gulat aktres, iba ang hitsura sa totoong buhay kesa sa mga pino-post sa social media!

Shukt ang mga nakakakita sa aktes na matagal naglagi sa Amerika.

Gulat sila na iba ang hitsura nito in person kesa sa mga pino-post niyang photos sa social media.

Hindi naman payat pero hindi rin mataba sa social media.

Pero sa totoong buhay daw nang masalubong ng isang friend ko sa isang high end na lugar sa Makati, nagulat sila na mas malusog ito.

Ang laki raw ng difference sa hitsura niya sa social media.

So alam na ang sagot dito, heavily edited ‘yung nasa social media accounts niya.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with