Kobe at Erika, binura na agad ang isa’t isa
Pinag-uusapan kahapon ang pagbura ni Kobe Paras ng kanyang mga post sa Instagram. As in winalis niya.
Ganundin si Erika Poturnal na binura rin ang mga picture nila ng anak ni Benjie Paras.
Lately ay pinag-uusapan si Kobe at si Erika dahil sa sweet photos nila kaya’t inassume na may relasyon sila.
Pero ‘di pa man sila umaamin officially, ang suspetsa split na agad dahil napansin din ng netizens na hindi na rin nagpa-follow si Erika kay Kobe.
Recently lang ay magkasama sila sa Amerika at parang sobrang intimate pa.
Pero iba na ang anggulo ngayon base sa mga post nila.
- Latest