^

PSN Showbiz

Gary V, matatagalan sa Amerika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gary V, matatagalan sa Amerika
Gary, Angeli, Yeng at Yan

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Gary Valenciano para sa series of shows na Gary V ­Reenergized.

Gaganapin ito sa September 30 sa Seattle, Washington, October 1 sa Brooks, California, October 8 sa Temecula, California, October 9 sa Los Angeles, California, October 15, sa Dallas, Texas, October 21 sa Anchorage, Alaska at October 23 sa New York.

Ngayon lamang muli mararanasan ni Mr. Pure Energy na makapagtanghal sa live audience. “None of us thought it was going to happen this quickly. We thought it was gonna be an extended time away from our audiences and it actually was two and a half years, but everyone seems to be excited and the feedback from those that have been here is that the Filipinos are really excited and happy that things are kind of going back to normal,” pahayag ni Gary. 

Bukod sa bunsong anak na si Kiana Valenciano ay magiging special guest din ng singer sa naturang U.S. tour si Yeng Constantino. “Not just us but a lot of Filipinos are coming here to the U.S. to have their concerts. So I’m blessed, ako Rin nakasama,” maikling pahayag ni Yeng.

Samantala, nakatakda ring lumipad ang buong grupo ng ASAP Natin ‘To patungong Amerika.

Gaganapin ang naturang Sunday variety show sa Las Vegas sa November 5. Ayon kay Gary ay posibleng dumiretso na siya rito mula sa kanyang series of shows. “It’s a great way to cap things off, to end the entire tour. I was supposed to go home after October 23 but ABS-CBN said just wait for us there. Spend time with your entire family and wait for us in Las Vegas. I said, why not. All of us are going to be there, from Regine (Velasquez), Ogie (Alcasid), Martin (Nievera), Zsa Zsa (Padilla). All the younger ones, AC Bonifacio, Darren Espanto, Donnie Pangilinan, Belle Mariano. Everyone’s going to go. So it’s going to cater to all ages. I’m looking forward to that,” pagtatapos ni Gary.

Anthony, pinag-aaralan pa rin ang pagiging leading man

Masayang-masaya si Anthony Jeggings dahil nabigyan ng pagkakataon na makapagbida kasama sina Daniella Stranner, Kaori Oinuma, JC Alcantara, CJ Salonga, Zach Castañeda at Vivoree Esclito sa Tara G na mapapanood sa iWantTFC simula October 7. Isang malaking karangalan umano dahil sumusunod sa mga yapak ng mga sikat na leading man ng ABS-CBN katulad nina Piolo Pascual, Daniel Padilla at Gerald Anderson. “Para sabihin na next leading man, wow. Nakakaiyak siya, nakakakilig. Puro pagpapasalamat lang ‘yung kaya kong ibigay. Sana sa susunod, malay natin. Tingnan natin kung ano pa mangyayari,’’ nakangiting paglalahad ni Anthony.

Malaki ang pasasalamat ng baguhang aktor sa pamunuan ng Kapamilya network dahil sa pagtitiwala sa kanya bilang isang talent. “Nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng ABS-CBN, ng lahat actually. Pati mga kaibigan ko, lagi silang, ‘Gawin mo ‘yan, magbuhat ka lang nang magbuhat (sa gym),” kwento ng binata.

Aminado naman si Anthony na malayu-layo pa ang kanyang tatahakin bago maging isang ganap na leading man ng ABS-CBN. “Hanggang ngayon naman nag-aaral pa rin ako. I’m still learning, dini-develop ko pa kung ano ‘yung kaya kong i-develop pa. May mga kailangan pa rin talaga akong aralin. I think nagsisimula naman na siya. Tingin ko natutunan ko nang mas mabilis compared before. Naggo-grow naman ako,” pagtatapos ng baguhang aktor. Reports from JCC

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with