^

PSN Showbiz

Dingdong, nagpaiwan sa Amerika!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, nagpaiwan sa Amerika!
Dingdong Dantes

Tapos na, Ateng Salve, ang two-night 17th anniversary shows ng GMA Pinoy TV, ang Together Again, sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California noong Sept. 24 & 25, kaya kanya-kanyang lakad na ang mga artistang kasama roon.

Si Lani Misalucha, malamang na nakabalik na ng Las Vegas, Nevada at si AiAi delas Alas naman ay marami pang mga trabaho sa Amerika.

Tinanong ko Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc. na namahala sa Kapuso event kung kailan ang uwi sa ‘Pinas nina Bea Alonzo, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes, pati na rin ang iba pang mga kasama nila sa Amerika para sa event na ‘yon?

Sey ni Anna, Tuesday ang alis sa L.A nina Bea, Rayver, Julie Anne at iba pa.

Baka si Bea, may promotions pang gagawin para sa teleserye nila ni Alden Richards na nagsimula na sa GMA 7 noong Monday night, at si Julie Anne ay para sa teleserye kung kasama ay kasama niya sina Barbie Forteza at Dennis Trillo. Si Rayver, malamang na nasa Sunday musical variety show ng Kapuso network kaya uuwi na rin kaagad.

Ang sigurado raw, three days na mag-e-extend sa LA si Dingdong at saka uuwi ng ‘Pinas.

Nang tanungin namin si Paolo Luciano na handler ng TV host-actor, ikinuwentong magpapahinga raw sandali si Dingdong kaya nag-extend ng three days.

Feeling ko, Ate Salve, bukod sa magpapahinga, baka ipag-shopping din ni Dingdong ang misis na si ­Marian Rivera at ang kanilang dalawang anak.

Bongga!

Jamie, walang kupas ang kabaitan

Type ko ang kabaitan ni Jamie Rivera.

Sa tuwing nakikita ko siya, palaging siya ang unang bumabati.

Last Thursday nga ay nakasabay ko siya sa isang coffee shop sa may Robinson’s Magnolia. Hindi ko sila kaagad nakita ng manager niyang si Ming Tinana, pero binati nila ako.

Actually, malapit lang yata sa mall na ‘yon ang bahay ni Jamie dahil ilang beses na rin namin siyang nakasabay roon lalo na bago nagka-COVID-19 pandemic.

In fairness din kay Jamie, parang hindi nagkakaedad ang singer ng famous song na Hey, It’s Me.Ang fresh-fresh pa rin ng hitsura niya hanggang ngayon, huh!

‘Yun na!

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with