^

PSN Showbiz

Senator JV, naintrigang nakabuntis nang pumayat

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Senator JV, naintrigang nakabuntis nang pumayat
Senator JV Ejercito.
STAR/ File

Namatay na ang intrigang may nabuntis na executive assistant si Senator JV Ejercito. “Kasi hindi totoo. May COS has been with me since 2013,” aniya sa isang Viber chikahan the other day.

Actually bungad niya ay “hindi totoo ‘yung chismis sa akin ha! Nagkataon siguro pareho kami pumayat kaya na-chismis na!,” dagdag ng isa sa pinakamabait na senador.

Sino sa palagay niya ang nagkalat nito na parang sure na sure na nakabuntis siya at may ilan pang picture na pinakalat? “Isang blogger na mercenary ang gumawa ng istorya,” na binanggit niya ang pangalan.

Pero mas lalo siyang nagduda dahil may kumausap sa kanya na pumayag daw na tanggalin nito sa TikTok ang malisyosong isyu pero nagsabi raw na kailangan ng tulong.

Ngayon natatawa na lang siya tungkol dahil alam niya ang totoo.

Pero bakit nga ba pumayat siya? “I bike everyday and intermittent fasting,” sagot ni Senator JV.

“I lost 30 pounds,” dagdag niyang kuwento sa Viber. “Kaya pinagdudahan na!”

Almost everyday ang fasting niya, at Sunday ang cheat day at rest, kuwento pa ng senador na nagmukhang bumata nga nung pumayat.

Last Thursday and Friday ay nag-Antipolo raw siya. “But I also bike to work,” aniya pa.

“Laps muna sa MOA (Mall of Asia) then go straight to the Senate na,” kuwento pa ni Senator JV na dalawang beses nagkaroon ng COVID.

Less than 200 lbs na siya ngayon, ang original weight niya ay 240 lbs. “Kaya napagdudahan! Hahaha,” biro pa ulit niya.

Samantala, isa si Senator JV sa mga excited sa reunion concert ng Eraserheads na ang isa sa mga producer ay si Alden Richards. “I am so excited!!! Eraserheads still rules!!!,” aniya sa isang tweet.

JV EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with