Kris, hindi pa nagsisimula sa chemo!
Hindi pa raw nag-uumpisang mag-chemo si Kris Aquino ayon sa isang narinig kong kuwento.
Ang inaayos daw nito ay ang paglipat from Houston, pero ‘di pa raw sure kung sa Los Angeles o New York ito maglalagi habang nagpapagamot.
Pero most probably raw ay sa New York dahil andun ang isa sa mga doctor nito.
Sa hotel lang pala sa Houston naka-check in sila Kris kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby, mga nurse at assistant.
Nauna na ngang nabanggit ni Kris sa kanyang post na “i am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy. i was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”
At ayon pa sa narinig kong kuwento, maayos ang kalagayan ni Kris at medyo nadagdagan ng konting timbang.
Pero wala raw sa Amerika ang sinasabing manliligaw nito na negosyante at talaga raw guwapo. Separated daw ang guy at dating supporter ng namayapang kapatid ni Kris na si former president Noynoy Aquino.
- Latest